BITTER HERBS
Rebecca ang pangalan ko. You may call me Becky. I am the go-to girl, the bitch who gets things done. I take charge. I am The Man.
Mabait ako. Noon.
Mapagbigay ako. Noon.
Hopeful ako. Noon.
Ball of sunshine ako. Noon.
Higit sa lahat, sexy ako. Noon.
I take my bitter herbs tea daily. In other words, parati akong Bitter Ocampo.
Wala nang mas sasakit pa sa pagpapakamartir and I learned that the hard way. Ipinaubaya ko sa iba ang lalaking mahal ko. Ako ang nagbigay, ako ang nagparaya.
Punyeta, wrong move. Ako rin ang nagdusa.
Ang sumunod na mas masaklap sa pagpapakamartir ay ang paglobo ng katawan—kapag mula sa size extra small ay naging double extra large ka na. Ang mga dati kong damit, sa hita ko na lang kasya. At lahat ng tao, itinatanong kung ano ang nangyari sa akin at "Bakit pinabayaan mo ang sarili mong magkaganyan?"
Dati hindi ako nauubusan ng manliligaw. Ngayon wala ako ni isang manliligaw. Dati mukha akong model ng FHM. Ngayon mukha na akong makinang pang-imprenta ng FHM. Kung noon puno ng sexy clothes ang laman ng aking aparador, ngayon ako na mismo ang mukhang aparador. At kung noon ako ang inaabangang umahon sa swimming pool, ngayon mukha na akong tangke ng tubig ng swimming pool!
Ito ang aking kuwento, ang matabang bitch na nakipagsapalaran sa kapaitan ng mundong nagbago ang pagtingin sa akin mula nang tumaba ako. Welcome sa mundo ko kung saan ang love life ay katumbas ng salitang "myth;" sa buhay kong puno ng pagkain, katabaan, kapaitan, mga taong masarap pagsisipain, at mga baklang parating mananatili sa tabi ko para kumanta ng "I Will Survive."
Paano kung muling tumibok ang puso ko? Paano kung tumibok ito para sa isang bampira na hate ako? How will I survive?
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.