Manoy's Thoughts
Dear Diary,
Actually was ko bet mag-writing poetry kasi chaka ang life ko. Was akis maishe-share about love life, wiz khalifa din akis jowa na truth café, at puro imbey na mga utaw ang aking nakaka-deal or no deal. Kaya yuoning, was kita najuksan since ipinagawa ka ng teacheraka kis noong #throwback grade six pa akis. Sorry, 'teh.
Pero wis ko na keri, Diary. Kailangan kong ijubas ang nafi-feel ko! Bet ko si Mark kaso bet niya rin ang machete. Kaloka! Ayaw niya sa mga murat! Aning ang gagawin kis? Magpapaka-machete rin ba akis eh mas daks siya kaysa sa akin? Bet ko pa naman na siya ang pudra at akis ang mudra pero wititit! Bet rin ng lolo mo ang kalahi niya. Kaloka! Ai-ai delas Alas!
TRANSLATION
Dear Diary,
Actually, hate kong magsulat sa diary kasi ang chaka ng buhay ko. Wala akong maikukuwentong love life, walang jowang totoo, at puro imbiyernang tao ang kadalasang nakakasalamuha ko. Kaya hindi kita nabuklat simula nang ipagawa ka ng teacher ko noong grade six, sorry, 'teh.
Pero hindi ko kinakaya ang lahat, Diary. Kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko! Crush ko si Mark. Pero tulad ko, macho ang gusto niya. Ayaw niya sa kalahing girl. Ano ang gagawin ko? Magpapaka-macho ba ako sa kanya, eh, siya ang mas macho sa akin? Siya ang dapat na tatay, ako ang nanay. Pero hindi, tatay din ang gusto ng lolo mo.
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.