TOURNAMENT: DAY 1 (excerpt only)
Chapter 24
"Kaya mo 'yan, Madame!" sabi ni Manoy.
"Kung hindi mo kaya, umatras ka na, Madame!" si Inday, kagat-kagat ang labi. "I'm so stress, my kilikili is wet."
Uminom na lang ako ng tubig, hindi na nakapagsalita dahil parang maduduwal ako. Pawisan ako, magkahalong pawis dala ng matinding sikat ng araw at dala ng panglalamig ng kalamnan.
Naglagay ng mesa ang mga sundalo sa harapan ni Viveca. May nakapatong na limang baril at limang magazine doon na magkakamukha. Isa lang ang puwedeng gamitin ni Viveca. Treinta ang total number of bullets.
Ilang dipa mula sa kinatatayuan ni Viveca ay mayroong inilagay na mesa kung saan may nakapatong na limang bote na iba't iba ang kulay. Ilang dipa mula sa likod ng mesang may bote ay isa pang mesa na may limang mas maliliit na bote. At sa likod pa niyon ay isang posteng mayroong nakasabit na barya. Walang audience sa likod ng mga bote, walang posibleng tamaan ng bala.
"Dapat nagbaon ka ng armalite, Madame! O kaya granada para madale mo ang target!" buga ni Inday.
Napikon na ako. "Tse, tumahimik ka na, lalo akong na-stress!"
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.