Chapter 22 - The Contenders

3.6K 97 4
                                    

THE CONTENDERS

 

Chapter 22

Dumating na si Martin, pero bad trip pa rin si Inday. Nagmamaganda siya talaga kahit sinabi na namin ni Manoy na hindi siya dapat mainis sa misyon ng boyfriend niya. Pekeng pagka-bad trip na lang ang armas niya pero handang magmaganda ang bruha hanggang sa abot ng makakaya. Paano, nag-e-enjoy siya sa walang-sawang panunuyo ni Martin. Almusal, brunch, lunch, merienda, at dinner, may regalo siyang natatanggap mula sa boyfriend. Bilib din ako sa pagmamahal ni Martin.

Ang problema, kailangan ko ngayon ang tulong ni Inday. Kailangan niyang kausapin si Martin at tigilan na ang silent treatment na ipinatupad. Kailangan kong malaman kung ano-ano ang katangian ng ibang kandidata. Kung may advance info ako, malaking tulong sa akin. Paano, dumating na ang mga judge—ang mga representative ng Legion. At mula nang dumating ang mga iyon, hindi na kami nakapag-usap ni Octavio. Hindi nga naman puwedeng malaman ng mga judge na nakikipaghalikan na ang hari sa isa sa mga kandidata.

Ipinarating ko na kay Octavio na sasali ako. Ang alam ko lang, ang babaeng ilang linggong hinanap ni Martin bilang contender sana ni Octavio ay loss na sa kompetisyon, inalis na para ako ang maging kapalit. Lalo na akong kinabahan. Pakiramdam ko, lahat ng bataan ni Octavio sa akin umaasa. Damang-dama ko 'yon. Sa tuwing lalabas ako, nakangiti sila at tumatango. Samantalang dati parang mga tuod lang. Kahit ang naghahatid ng pagkain ko, tinatambakan ako ng protein, kailangan ko raw ng lakas.

Lalo na akong naaning. Ano ba talaga ang gagawin? At dahil kailangan kong mag-ready, araw-araw akong nag-e-exercise. Hindi ako puwedeng lumabas sa ngayon, tulad ng ibang mga kandidata na dumating na rin. Lima kaming lahat. Na-stress na ako, shet! Ano ba itong pinasok ko?

"Madame, sige pa, push mo pa," hikayat ni Manoy habang nagda-jumping jacks ako. Sinasabayan ako ni Inday na complete attire pa, mula noong dekada otsenta—leotards, tights, headband, leg warmers.

"Sarap magtanggal ng sebo! Whoo!" sabi niya. "Push mo pa, Madame, baka sakaling maka-score ka man lang."

Sumige ako, kahit pawisan. Kung nalaman ko lang, sana noon pa ako nag-exercise. Ang hirap nitong limang araw lang ang ibibigay sa akin pero at least, mas mainam pa rin kaysa walang warm-up at sugod na lang bigla. Baka magtunugan ang mga buto ko at pumirma ang lahat ng ugat.

Mayamaya pa, humuhulas na ako sa pawis. Naupo ako sa kama. Inabot agad ni Manoy ang face towel. Nang maipunas ko iyon, inabot niya naman ang isang sparring sword na nahiram sa isang kawal. Hindi pa man ako nakakabuwelo, inundayan na ako ng taga ni Inday. Mabilis pa rin ang reflexes ko, salamat sa history ng pagkahilig sa sports. Lumundag ako patayo.

"Parang bola lang, Madame," sabi ni Inday, sabay atake sa akin. Sorry siya, noong college, nag-fencing din ako nang ilang buwan dahil nagka-boyfriend akong mahilig doon. Sumugod sa akin si Manoy. Dalawa na silang umaatake sa akin. Sa isang paggalaw, naabot ko ang unan na naging shield. Napakatindi ng determinasyon ko na sila—parehong payat—ang naunang sumuko.

"Ngalay na ang braso ko," reklamo ni Manoy.

Patango-tango si Inday kahit taas-baba ang dibdib, astang mayabang pero bilib. "Okay, you impress me much, Madame. Eben if you are pat, you move pas. Beri good."

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon