Chapter 17 - Maginoo Pero Medyo Bansot

4.4K 119 9
                                    

MAGINOO PERO MEDYO BANSOT


My dear, my dear, my dear. Hindi ako mapakali sa endearment ni Octavio sa akin kanina. Alam kong puwedeng ordinaryo lang niya iyong ginagamit, pero base sa nakita ko, hindi malambing ang personalidad ni Octavio. He was a king, ang being sweet was not one of the qualities required of one. Pero naging malambing siya sa akin kanina.

Oh, I must shut up already. I had been feeling giddy all day. Mabuti na lang at may mga bagong damit na dumating, mga damit na nakaimbak sa barko at hindi nakalagay sa closet. Iba't iba ang sukat ng mga iyon at salamat na maraming plus size. Para akong nag-shopping sa Rustan's o Neiman Marcus. At nang dumating si Yuli kanina, marami rin siyang pasalubong na gamit. Yuli looked very happy and she was pregnant. Mukhang excited na excited siya at bakit hindi kung isang tulad ni Gavril ang asawa niya?

One day, I just might be as happy as her. At ano bang malay ko kung isang araw, tanghalin akong reyna ng mga bampira? Ahihi! Siguro nga hindi tama ang mga tumatakbo sa isip ko, lalo na at maraming pending na bagay sa totoong takbo ng buhay ko dahil nandiyan at hindi nababago ang kasunduan namin ni Stanley Chan. Pero parang napakayo rin ng problema mula sa lugar na kinaroroonan ko ngayon.

Isa pa, maganda at malaki ang guest room—king size ang kama, may malaking space para galawan, at higit sa lahat, ligtas ang pakiramdam ko rito, lalo na at nasa isang controlled environment ako. Kahit sinabi na sa akin na hindi tiyak na wala nang susulpot na KZTB, napakaraming bantay na tutulong. Prente akong makakatulog sa gabi at hindi na rin ako kailangang umasa sa mga pulis escort o bodyguard na hindi malalaman kung may nangyayari nang masama sa akin kung magbabantay sila sa labas ng kuwarto ko.

Sa ordinaryong pagkakataon, hindi ako magiging komportable na may mga tao sa labas ng kuwarto ko, nakabantay at makakaramdam daw kung merong susulpot na creatures sa loob. Pero okay lang sa akin ngayon. Kaysa mategi ako nang wala sa oras. Unti-unti, nagiging komportable na ako sa presensiya nila.

Sa isang bahagi ng isip ko, siyempre nandoon pa rin at hindi nawawala ang mga obligasyon kong naiwan. Pero sa tuwing maiisip ko ang mga iyon, natatabunan agad ng thought na MY DEAR ANG TAWAG SA AKIN NI OCTVIO! Ahihihi! I am very happy and excited too.

Hindi naman sa binibilang ko na agad ang itlog kahit sisiw pa lang ang mayroon ako, pero kung sakali man, barya lang kay Octavio ang dalawang-daang milyong piso. He can loan me that money any time. And I can be his queen forever after.

Magiging bampira ba ako? Hindi ko alam. Siguro. Hindi ko pa masyadong alam kung ano ang ginagawa nila maliban sa kung ano ang nakikita ko at sa mga kaunti kong nalalaman sa kanila, pero iyong ideya na makakasama ko habang-buhay ang isang lalaking mahal ko, parang masaya iyon. Isang napakahabang buhay at magagawa ko ang lahat ng maisipan ko. I can do charity work and help my entire nation, so why not? Kung kaya kong gawin, bakit hindi ko ipu-push? For a greater cause.

Pang-Miss World na yata ang itinatakbo ng isip ko pero sa ngayon, masarap ang magpantasya. At masarap ding isipin na mayamaya lang, susunduin na ako ni Octavio dito sa kuwarto. Nakaharap ako sa salamin at tuwang-tuwa sa ayos ko.

"Kanina ka pa pangiti-ngiti, Madame," puna ni Manoy matapos ang huling pagpisil sa hair spray. Marunong siyang mag-ayos ng buhok at mag-makeup.

"Masaya lang ako."

"At may amnesia yata. Aw-aw."

Napaismid ako. "Wala namang masama na maging masaya ako ngayong gabi. Hindi naman natin alam kung bakit ako gustong makausap ni Octavio."

"Eh, ano pa ba ang dahilan, Madame?"

"Malay mo, may gusto lang siyang itanong."

Humirit si Inday na nakahiga sa kama, kanina pa naglalaro ng Candy Crush sa isang tablet. "O baka nami-miss lang niya ang nanay niya kaya gustong makasama sa hapunan si Madame, gano'n."

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon