Chapter 13 - China Phone

3.6K 127 8
                                    

CHINA PHONE

 

Hindi ko alam kung anong lugar na ito pero hula ko, Batangas. Nasa loob kami ng isang abandonadong factory. Walang upuan kaya nasa lapag kaming tatlo—ako at ang magpinsan. Wala ni isa sa amin ang makatulog. Ang lalaking nagligtas sa amin ay kasalukuyang naghahasa ng espada. Ni hindi niya naisip kumain. Gutom na gutom na ako. Diyeta si Kuya.

"Can we talk?" lakas-loob kong tanong. May kakaibang quality ang lalaki na hindi mo gugustuhing istorbohin siya. "Please, tell me who you are."

"Zacchaeus, that's my name."

"Zakeyus," si Inday. "I'm Inday, this is Manoy, and this pat girl is Madame Becky. Nice meeting you. I need to wee-wee. You have banyo here?"

"Nandoon." Itinuro ni Zacchaeus ang isang panig ng factory. Marunong palang mag-Tagalog ang lintek. Bakit nauuso ang mga foreigner na marunong mag-Tagalog?

Nagpasama si Inday kay Manoy. Nagtanong ulit ako kay Zacchaeus. "So, uh, nice place you have here. What are you?"

"I slay evil creatures."

"Kinagat ka kanina. Noong nagda-drive ka, wala akong makitang sugat sa leeg mo. Ano ka?"

"A vampire."

Natigilan ako pero hindi na nasindak, tulad ng dapat sigurong nangyari. Naubos na ang imbak ko ng sindak, nasaid na kanina. "Kung bampira ka at slayer ng mga nilalang ng dilim, bakit hindi mo pinapatay ang mga bampira na tulad mo? Hindi ba, ganoon din kayo?"

"We are cursed, so to speak, but we didn’t come from the other side. We were created here, in this world, by creatures from the other side."

Gusto kong isiping malakas ang sapak niya pero sa mga nakita ko, parang lahat na ng bagay posibleng mangyari. "Ang sinasabi mo bang other side ay…?"

"The Underworld."

"Right. Well, nice to have met you, Zacch. But I think we have to leave. May meeting pa ako bukas sa caterer. Siyanga pala, iyong cellphone naming tatlo, baka puwede mo nang isauli?"

"Sa tingin mo may mapupuntahan ka pa kung saan makakalaban ka kapag nakita ka nila? You have the gems. As long as you have those, they will find you."

Sinasabi ko na nga ba na kasalanan itong lahat ng mga lintek na hiyas na 'yon! Malilintikan sa akin si Manoy! "Itatapon ko sa gitna ng laot."

"It doesn't matter. Kahit saan mo itapon ang mga iyon, makikita nila at mula sa mga bato, malalaman nila na ikaw ang dahilan kaya lumabas ang mga iyon. Isa pa, alam na nilang ikaw ang may gawa. Kaya sila nandoon kanina sa shop mo. You've killed three draugrs already. They're coming for you."

"Draugr? Iyong zombie? Teka, ang ibig mong sabihin, ipaghihiganti ng mga mukhang sunog na tiyanak ang kamatayan noong mga zombie na napatay ko?! Kasalanan ko ba 'yon? Eh, kung hindi ko pinatay ang mga iyon, ako ang papatayin!"

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon