Chapter 6 - Bisperas ng Kasal (Welcome Back, Inday!)

4.7K 147 19
                                    

BISPERAS NG KASAL

(Welcome Back, Inday!)

 


 

"Histura nito!" nabiglang bulong ko, sabay ismid. Hindi niya naman siguro naiintindihan.

"Excuse me?"

"I said 'how are you.'"

"You did not."

"And how would you know?"

"Dahil nakakaintindi ako ng Tagalog."

Nanglamig yata ang buto ko pero naisip ko, so what? Sino ba siya? Matatakot akong bigyan niya ng masamang review ang serbisyo ko? Fine! Napakarami kong happy and satisfied brides na puwedeng kunan ng testimonial! "For your information, your blonde hair? So last season! And who in the world wears a suit at this time of night? Galing ka ba sa meeting? Nasa hacienda ka, wala sa opisina. And is that a gold chain showing on your neck? Mas malaki pa sa piso ang laki ng pendant na naninilaw din sa pagkaginto? Ano ka, Saudi boy? And for your information, I have a boyfriend!"

Hindi ko alam kung kailan ako natutong tumahi ng insulto at kuwento nang ganoon kalupit. Siyempre, dakila akong laitera pero never akong nanglait sa harap mismo ng nilalait ko; kadalasang hinuhusgahan ko lang sa loob-loob ko. Pero ngayon, harap-harapan, 'teh. Kinanti ako nitong imported na ito at sorry na lang siya, pagod na ako at tensiyunado.

Pinagmasdan niya ako, halatang inis. Na-tense na naman ako nang ma-realize kong amo nga pala ito ng groom. "I'm sorry. Pasensiya na. Nagulat lang ako."

Mukhang hindi pa rin siya natutuwa. Naglakad siya palapit sa akin hanggang sa maging tatlong dangkal na lang ang space na nakapagitan sa amin. Napalunok ako. Shucks, ang bango-bango niya! Na-consious ako. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit mula kanina at tumapat ako sa barbecue grill sa beach, na-sprayan ng pabango ng bride, pinagpawisan nang todo, at natapunan pa ng garlic mayo nang inspeksiyunin ang kitchen ng resort sa Calatagan bago tumulak papunta rito sa hacienda.

Kahit nasita na ako nitong si Ocatavio dahil sa pagtitig sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang tumitig ulit. Nakakalula talaga siya. Hindi ko kayang i-explain, basta't nalula ako sa kanya, nalunod. Parang kahit tanghudan ko siya maghapon, may bagong feature akong makikita at makikita.

May kinuha siya sa loob ng amerikana at bago ko pa na-realize, umupo na siya sa sofa at nagsulat. Check book at pen ang kinuha niya sa loob ng Amerikana. Sosyal ang panulat niya, hindi ball point pen, kundi calligraphy pen. Nang pilasin niya ang tseke at iabot sa akin, ang una kong napansin ay ang pirma niyang parang font. Ngayon lang ako nakakita ng pirmang puwede kong i-describe na "sosyal." May pirma palang sosyal. Pero mas sosyal ang nakasulat na amount sa tseke—two million pesos.

"Are you kidding me with this?" Mataas ang boses ko sa pagkabigla.

"What?"

Napanganga ako sa kanya. "Hello?"

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon