Terror made me cruel. - Emily Brontë
Octavio was pacing inside the room. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga pangyayari. Hindi maganda ang kanyang kutob sa bampirang si Zacchaeus. Una, walang mabanggit na faction ang lalaki, hindi matiyak ni Octavio kung saang grupo ito kabilang. Pangalawa, ayon sa mga bagong sundalong sumapi sa kanyang hukbo, mula sa ibang liga ng mga bampira, hindi raw kilala ng mga ito si Zacchaeus. Lahat ng bampira ay mayroong faction at ang mga wala ay hindi nagtatagal at nakakahanap na rin ng masasanibang pangkat. They usually preferred to be with a group.
For the longest time, their existence was only a myth. And myths did not scare humans, leaving the vampires in peace. And they liked living in this world that way. Bagaman marami sa kanila ang mayroong koneksiyon sa mundo ng mga tao, nananatiling sa kanila lamang ang kaalaman tungkol sa kanilang lahi. Kaya ang isang bampira ay kadalasang mayroong kinabibilangang grupo. Ngunit walang grupo si Zacchaeus.
Octavio was aware that the Gem of Life, which was now back in his possession, was desired by many. Hindi biro ang kapangyarihang taglay ng Hiyas ng Buhay na siyang pamana ni Lucian, ang unang bampira, mula sa mga djinn sa kabilang mundo. Nag-iisa lamang ang Gem of Life, ang tanging dahilan kung bakit nakakapaglakad muli si Octavio ngayon. Kabilang sa sumpang iniwan ng djinn na nagbigay kay Lucian ng hiyas ang panghihina ng lahi nito sa pagkawala ng hiyas.
May kung ano pa ring kilabot ang dulot kay Octavio ng isiping mawawala sa kanya ang hiyas tulad noong nanakaw iyon ni Dmitri mula sa kanya. Sa loob ng ilang dekada ay animo lantang gulay ang kanyang katawan at iilang tapat na sundalo lamang ang nanatili sa kanyang tabi, kabilang na si Gavril na kasalukuyang nasa honeymoon ngunit kinailangang istorbohin ni Octavio.
Hinihintay niya ang pagdating nito, kasama ang asawang si Yuli. Kung maaari lamang ay nais niyang huwag sanang abalahin ang dalawa ngunit kailangan. Sapagkat mayroong tatlong asul na hiyas na hindi niya alam kung ano ang ibig-sabihin.
Octavio remembered being in the same vicinity as Yuli and Gavril after their wedding. Sa gabing iyon lamang niya ipinagkatiwala sa iba ang Gem of Life and of course, he needed to make sure it was safe. As long as the Gem of Life was not stolen by another party, Octavio was safe. The gem had a mind of its own and knew if it had been stolen or was still safe in the care of the owner.
Nilisan ni Octavio ang lugar nang maibalik na sa kanya ang hiyas at batid niyang sa sandaling iyon ay hindi na nakakulong doon ang Djinn ng Buhay na siyang nagbibigay abilidad sa tulad niyang bampira na makalikha ng isang anak. He gave away his right to have a child and he did not regret it. Lamang, mayroong naging negatibong epekto iyon. Sa huling pulong ng mga pinuno ng Legion of Ancients—ang samahan ng mga matatandang bampira, ay kinuwestiyon ng ilan ang hindi pagsunod ni Octavio sa tradisyon. Every century, a Djinn of Life got trapped in the Gem of Life, giving the king or his son the chance to sire the future leader of their race. Ngunit naipaliwanag ni Octavio sa lahat ng nagtanong na hindi nauubos ang panahon. Next century, he will have the chance to use the Gem of Life.
Sa tagal niya sa mundo at sa kasaysayang nakatala sa aklat ng mga bampirang isinulat noong una pang panahon at nagsimula kay Lucian, wala ni isang nagsabing tinangka ng isa man sa mga ito na tumawag muli ng djinn. The ancient practice of summoning a djinn was lost when Lucian burned down his own library with the help of a djinn of lower power. Ayon sa bahagi ng librong isinulat mismo ni Lucian, sa huling pagkakataon ay tumawag ito ng isang mahinang-uri ng djinn at humiling na sunugin ang mga libro sa loob ng silid-aklatan nito, maging ang mga aklat ng ibang may kaalaman sa lahat ng uri ng pagtawag sa mga djinn. Ikalawang hiling ni Lucian, ayon sa tala, ay ang masunog ang mga aklat nang walang nasasaktang ibang tao. Ang ikatlo at huling kahilingan ni Lucian ay isang aklat na maaari nitong sulatan at hindi kailanman masusunog, masisira, o mauubusan ng pahina, at maaring ikubli sa mata ng iba.
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.