Chapter 14 - Thorned Cage

4.1K 138 7
                                    

THORNED CAGE

Nagising akong masakit ang ulo. Ang buong katawan ko, parang tumitibok at lahat ng fats ay nagrereklamo. Namimintig ang mga binti ko at pakiramdam ko, bloated ang majubis kong alindog. Itinaas ko ang mga braso at napahiyaw. Parang lobong hinipan ang mga braso ko at hindi iyon dahil sa taba.

"Gagaling ka na raw, Madame. Kalalabas pa lang ni Kamahalan."

Noon ko lang napansin si Inday sa isang recliner. Nasa loob kami ng cabin. Hula ko, nasa barko kami dahil sa banayad na pag-uga ng paligid.

"Binaril mo ako!" sigaw ko, naintindihang ang ibinaril sa akin ni Inday kanina ay tranquilizer gun. "Napakawalang-utang-na-loob mo, Inday! I hate you!"

"Eh, kasi, Madame, papalag ka pa kapag ipinaliwanag namin sa 'yo na kailangan ka naming dalhin."

"Ano'ng nangyari sa akin? Ahh! Aaaaah!" sigaw ko na naman habang nakatingin sa mga nakataas na braso. Unti-unting bumabalik sa normal ang mga iyon. "Aaaaah!"

"Sigaw pa more, Madame. Hindi pa nagigising ang mga siyark sa ilalim ng dagat."

"Aaaah!" sigaw ko nga. Nababaliw na ako. Humiga ako ulit. "I need my stress pills. Where's my bag? Where's Manoy?!"

"Nagluluto si Manoy, Madame." Kinuha ni Inday ang bag ko at inabot sa akin ang isang box ng chocolates. Iyon ang stress pills ko. Agad akong sumubo ng isa, saka nagtanong, "Ano'ng nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako?"

"Sabi ni Manoy, siya raw ang magpapaliwanag sa 'yo, Madame. Wait natin siya." Inilabas ni Inday ang isang nail file at sinimulang kikilin ang mga kuko niya sa paa. Lintek na babae 'to!

"Inday, traidor ka," akusa ko. Bigla akong napaluha. Wala na akong control sa nangyayari. "Saan kami dadalhin ni Octavio?"

Parang hindi siya affected. In fact, parang tagusan sa tainga niya ang sinabi ko. Habang nakatingin sa hinlalaki sa paa ay sinabi niya, "Tsk. Hindi pa rin humahaba itong bulok kong kuko. I care and care for it, I even sing to it, but nothing is happen. Better cover with kyuteks."

Mukhang balak niya mag-pedicure while humming habang nagugunaw ang mundo ko. Inilabas niya ang nail polish at sinimulang pinturahan ang mga kuko, pasipol-sipol pa. Naitanong ko sa sarili kung paano nagawang makisama ni Yuli sa isang ito sa loob ng ilang taon. Gusto ko siyang sakalin.

Mayamaya pa, ang hum ni Inday ay naging kanta na. "Piririp-pippiririp. Papirip-papapirip…"

Gusto kong magwala pero pagod ako, bukod sa pilit kong inaawat ang stress na sumambulat. Pakiramdam ko, aatakihin ako sa puso meintras kong iniisip na nababaliw ako sa nasaksihang paglobo at pag-impis ng katawan ko sa loob lang ng ilang segundo. I needed calm, peace and quiet to exorcise my madness. Relax, Becky. Breathe in, breathe out. Hindi ka nababaliw. Epekto ng kung anong tinusok na gamot ni Inday sa 'yo kanina ang halusinasyon mo.

Nagdesisyon akong hintayin na lang si Manoy. Mabuti naman at dumating na rin siya mayamaya, may dalang tray ng pagkain na ipinatong niya sa kama. "Madame, kumusta ang pakiramdam mo?"

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon