Chapter 25: Tournament: Day 2

4.8K 91 4
                                    

TOURNAMENT: DAY 2 (excerpt)

 

Chapter 25

May break na kalahating oras, saka bumunot ang judge ng maglalaban para sa semi-finals. Ang nabunot—ako at si Paola. Kung sino ang matatalo sa amin, lalaban kay Viveca. Kung sino ang mananalo sa labang iyon, papasok sa sa finals. Gusto ko ito, aminado ako. Nagpunta na ako sa gitna ng arena. Pinagkamay kami ni Paola ng referee.

"Funny we have to meet again this way, my friend," sabi ni Paola, hindi nag-abalang ilahad ang kamay.

"Stop pretending I'm your friend, bitch," sabi ko.

"Fine. I never liked you."

"Too bad. I loved you like a sister. You betrayed me. Marunong akong tumanaw ng utang-na-loob. I'm gonna gut you, bitch."

"You will never win against me. You never won with Zandro, you will never win with Octavio."

"Oh, really? And how dare you call him by his first name?! And how did you get here? How the hell did you know about this vampire world?"

Hindi pa pumipito ang referee kaya hindi pa simula ang laban. Lumapit sa akin si Paola at bumulong sa tainga ko, "Didn't you know? I slept with Octavio, that's why I know."

"Liar. You always were and you always will be."

"I did. I saw him in a bar one night and he asked me to come with him. I did. He was delicious."

"Liar!"

"Take a look at his body then. There's a small birthmark on his left inner thigh."

Napasinghap ako. Muntik ko na siyang itulak. Natural, hindi ko alam 'yon! When Octavio and I made love, he didn't take off his shirt. Hindi rin ako naglumandi nang todo para sipatin ang katawan niya sa bahaging iyon. Sa pagitan ng hita? Paano nakita ni Paola 'yong kung hindi siya nagpasasa sa yaman ni Octavio? Hindi na kailangang sabihing hindi espada ang hinawakan niyang sandata sa gabing iyon. At hindi lang niya hinawakan, malamang inawitan pa niya! At kinanta niya ang buong album! Hindi ko kaya 'teh! Gusto kong magwala, gusto ko na siyang espadahin, pero hindi pa pumipito si Martin. Bigla rin naisip ko, sinungaling si Paola. Sinabi lang niya iyon para inisin ako, para mawala ang concentration ko. At ako namang mabilis mag-init ang ulo, gusto agad na maniwala. Style ni Paola, mula noon hanggang ngayon, diversionary tactics! Noon, inaliw niya ako sa pagiging kaibigan kuno, habang inaagaw na ang fiance ko. At ngayon naman, dini-divert ang atensiyon ko sa pagpapa-imagine sa akin ng malandi niyang katawan at ng machong katawan ni Octavio. Sukang-suka ako sa image na nag-flash sa isip ko! Ang mukha ng malani na puro ineksiyon ng botox, umaawit sa pagitan ng hita ng boyfriend ko! Ang sarap tagain!

"Ready?" si Martin.

Huminga ako nang malalim, saka tumango. Pumito si Martin. Sinugod agad ako ni Paola. Damn, the bitch was fast!

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon