Chapter 15 - La Isla Bobita

4.5K 150 6
                                    

LA ISLA BOBITA

Chapter 15

It was a tropical island paradise. At naka-gown ako. Habang naka-sarong at tank top si Inday, nakataas ang mga kamay sa ulo para agapan ang paglipad ng straw hat niya, hayun ako at naka-itim na gown na may Swarovski crystals, nakapangalumbaba habang nakatanaw sa isla. Kabababa lang namin sa barko na hindi puwedeng dumaong malapit sa isla kaya kailangan naming magbangka papunta doon. Si Manoy, mukhang excited din. Ako lang ang hindi.

To be honest, I hated the beach. I was no longer the beach person I once was. Iba ang kaso noong payat ako. Noon, maya't maya kami sa beach ni Zandro. Mula nang tumaba ako, nawalan na ako ng ganang mag-beach. Wala naman akong maisusuot na matino, wala rin akong ganang ibilad ang katawan kong baka mapagkamalang salbabida. Mahirap din ang mataba sa beach—malagkit sa balat, mainit, at hindi nagsisinungaling ang buhangin sa lalim ng bakas na iiwan ng bigat mo.

Nakatawag na ako kay Dad, hindi bawal ang cellphone sa isla at malakas din ang signal. Sinabi ko kay Dad na nagbabakasyon lang ako saglit. Hindi na siya masyadong nagtanong. Ganoon naman iyon. Tatawag lang iyon kapag may kailangan na si Stanley Chan sa akin at hindi niya ako mahagilap. Typical.

Bati na sina Manoy at Inday, siguro dahil na rin kay Martin. Hindi ko tinanong kung ano ang nangyari sa kanila, nakita ko lang silang tatlo na magkakausap. Namimilog ang mga mata ni Manoy. Kung hindi ko pa alam, nag-aabang ang beks ng mga sundalong naka-trunks. In fact, malagkit na ang tingin niya sa sundalong nagsasagwan ng bangka. Kagabi lang, may pa-"purong-puro" siyang nalalaman. Agad-agad, handa nang maglumandi. Pabor sa kanila ang pangyayari ito, hindi pabor sa akin pero siguro nga, panahon na rin para magbakasyon ako. Hindi ko na maalala ang huli kong bakasyon.

"Smile ka naman diyan, Madame," si Manoy. "Tandaan mo, ikaw ang bisitang pandangal dito. Special treatment ka rito, tulad daw ni Ma'am Yuli noon. Kaya naman baka makakita ka ng jowa dito."

Ngumiti ako, sagad sa tainga at halatang fake. Tumawa si Inday. "Ayaw ni Madame. Ikaw na ma-lechon sa araw. Baka pag-uwi niya may apol na sa bibig."

"May atraso ka pa sa akin. At anong jowa? Nakalimutan na ba ninyong ikakasal na ako? Baka sakaling hindi ninyo naaalala na may buhay tayo sa Maynila. Ano na lang ang mangyayari kung hindi ko mapapakasalan si Stanley?"

"Aw-aw!" sabay na tahol ng magpinsan. Sarap ipagbuhol.

Habang papalapit kami sa isla, aaminin kong natuwa ako. Sobrang ganda doon. Puting-puti ang buhangin, kulay-turquoise ang tubig, malalaki at mayayabong ang mga punong niyog. Napakalawak ng isla, at sa mataas na bahagi, malapit sa cliff sa kanang banda ay mayroong mansiyon.

Wala akong idea kung nasaan kami eksakto kaya tinanong ko ang sundalong nagsasagwan pero ayaw niyang magsalita. Para siyang robot. Diretso lang ang tingin niya, umiigting ang panga sa bawat pagglaw. Naka-attire siya ng sa isang musketeer. Nang sumakay kami sa barko, kahit iyong mga naka-suit, biglang nagpalit ng attire. Siguro, iyon ang uniform nila kapag sila-sila na lang. Nagpapalit lang siguro sila ng damit kapag magpapakita sa mga tao.

"Well, great," sabi ko, sabay tukod ng mga siko sa katawan ng inflatable boat nang makitang may speed boat pala at doon nakasakay si Octavio. "Akala ko ba bisitang pandangal ako dito, bakit de-sagwan itong sinasakyan natin?"

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon