THE BIRTH OF THE BITCH
"If anyone amongst you should have just cause for these two to not be joined together in Holy Matrimony, speak now or forever hold your peace."
Ginusto kong tumayo. Ginusto kong itaas ang kamay ko, tumuntong sa bench at magsisigaw ng "Me, me, me!" pero nanatili akong nakaupo. Lahat na yata ng klase ng pagluha, naranasan ko na para sa ikinakasal sa altar—mula hagulgol, hanggang sa pagluha mula sa isang mata lang. Pakiramdam ko, isang timba na ang luhang nailabas ko sa nakalipas na isang buwan. Baka mas mamatay pa ako sa dehydration kaysa sa sama ng loob.
Araw-araw akong umiiyak, pilit kinukumbinse ang sarili kong tama ang desisyon ko. Mahal ko si Zandro pero iba ang mahal niya. Sinabi niya iyon sa akin isang buwan bago ang kasal namin. Nakahanda na ang lahat, bayad na ang mga wedding supplier, naipadala na ang mga imbitasyon sa lahat, nakaplano nang umuwi ng Pilipinas ang mga kamag-anakan mula sa ibang bansa.
Of course, no one would want to miss Becky's wedding. Ah, Becky, the sweet one, the girl who always knew the kind words to say, the one who always listened, the blessed angel loved by all.
Becky, the poor girl who was abandoned by her fiance.
For her maid of honor and best friend.
Tumulo na naman ang luha ko pero ayokong gumawa ng eksena sa kasal na ito. I loved them both. Hindi nila sinadyang gawin ito sa akin. Why, I loved my best friend Paola like she was my own sister. And heaven knows I loved Zandro. Hindi nila sinadya ang lahat ng ito. Hindi nila ito gagawin kung hindi lang nila minahal ang isa't isa. They were good people and forever will be. Dapat akong magbigay, dapat akong magparaya para sa dalawang taong mahal ko.
Parang tagusan na lang ang mga salita ng pari habang tinatapos ang simpleng kasal. Napakasimple ng kasal dahil kailangang matuloy agad iyon. Buntis na si Paola. I guess deep inside I was happy for them. Saka ko na lang mare-realize 'yon, kapag hindi na mahapdi ang mga sugat.
The groom kissed the bride and after the photos were taken, we all went to a small restaurant. It was my favorite restaurant but I didn’t mind. Hindi ko pag-aari ang kainan at kung gusto ng bagong kasal na doon gawin ang reception, bakit hindi? Kahit pa nga nagtataka ako kung bakit sa dinami-dami ng restaurant sa Kamaynilaan, doon napili nilang ganapin ang reception sa paborito ko at lugar kung saan nag-propose si Zandro.
Maliit na portion lang ng restaurant ang okupado ng wedding party. Hapon ang kasal kaya simple lang ang pagkain, kahit bumawi sa cake. Iyon ang regalo ko sa kanila, ang cake. We all ate and then, the couple said their goodbyes.
Lumapit sa akin sina Zandro at Paola. Niyakap nila ako. Niyakap ko sila. And then Paola whispered to my ear, "Ikaw ang ninang, Becky, ha?"
And they left. The other guests left. Nandoon lang ako at nakatunganga sa kawalan hanggang sa mapansin kong inililigpit na ng mga waiter ang cake. Ang cake na regalo ko. Wala ni isang kamag-anak ng dalawang punyetang ikinasal ang ginustong iuwi man lang ang cake.
I snapped. Something inside my brain just snapped. Kung isang pisi man iyong nalagot o isang halimaw na nagkukubli sa kasukuk-sulukang bahagi ng isip ko na biglang nabuhay, hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.