AWOOO!
Gusto kong kumanta ng Who Let the Dogs Out nang makita ko si Mr. Chan. Ayokong mamintas pero… ampanget ni Manong! Parang bumagsak sa sahig ang puso ko. So ang lalaking ito ang inaasahan ni Dad na mapang-asawa ko? Ano ang magiging hitsura ng mga magiging anak namin?
Arf, arf!
Payat si Mr. Chan, mukhang may sakit, malinis ang tabas ng buhok, ang laki ng tainga, ang laki ng ilong, ang laki ng bibig, parang baryang nakatagilid ang liit ng mata. Higit sa lahat, kasing-edad na siya ng tatay ko. Kaya naman pala naghahanap na ng heredero at malapit nang mategi.
Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na magpakasal sa kanya. Paano ang honeymoon namin? Maisip ko pa lang na hahawakan niya ako, hindi ko na talaga kaya. Pero nandito na ako, magandang kausapin ko na siya.
"Good evening," bati ko. Muntik ko nang maidagdag ang "manong." Hindi siya bagay tawaging "sir" dahil mukhang mahirap.
Tumayo siya agad, ngumiti. Inay ko, ang ngipin stripes—dilaw at itim. Paano ko hahalikan ito? Bumati siya sa akin. To be fair, mabango naman siya. Ipinaghila niya ako ng upuan at sinabing um-order na raw kami. Tinawag niya ang waiter. Wala akong balak magtagal kaya dimsum lang ang in-order ko.
"Naktataka ka sikuro kung bakit ikaw gusto ko pakasalan, ah?"
Inay ko, barok pa mag-Tagalog! Parang nakikinita ko na kung paano ito lalaitin nina Manoy at Inday na tandem na ngayon sa pamimintas—mula sa akin hanggang sa mga artista sa TV.
Ngumiti na lang ako at tumango nang bahagya. Nagpaliwanag siya, "Ako kasi matanda binata na, ah? Ako sixty-five na sa Disyembre, ah? Gusto ko tayo kasal February next year para Chinese New Year. Ikaw patingin ko na feng shui master, sabi tayo bagay. Ikaw lucky sa 'kyen. Ayoko pakasal basta, ako iwas malas. Ako hanap compatible sa kyen. Ikaw compatible sa akyen. Ikaw kasi baboy."
Napatulala ako sa kanya. "Excuse me?"
"Ikaw baboy." Nakangiti siyang tumango-tango sa akin habang nakaturo pa ako ng daliri niya. "Ikaw baboy, ikaw baboy. Veli good. Ako hanap baboy. Pig. Ako kasi tiger. Compatible baboy sa tiger. Year of the pig ka, year of the tiger ako. Tayo bagay mak-asawa."
Napatango na lang ako kahit kanina lang handa akong abutin ang leeg niya at pilipitin. Akala ko iniinsulto ako. Dumating na ang pagkain. In fairness kay Manong, mukha siyang mabait. At kahit stripes ang ngipin niya, sa makailang ulit na pagtalsik ng laway niya at mala-tambutsong hangin galing sa bibig habang nagsasalita, hindi siya mabaho. Ewan ko, habang umaandar ang sandali, naaaliw ako sa kanya. Ilang ulit akong napatawa kasi nakakatawa talaga siya magsalita pero parang hindi siya na-offend.
"Makanda bukas iyo mukha, ah? Ako gusto asawa makanda bukas ng mukha para suwerte nekosyo."
May-ari ng Chinese restaurants si Mr. Chan hindi lang sa Pilipinas, kundi hanggang sa Macau, Hong Kong, Singapore, New York, at Las Vegas. May Michelin stars ang mga restaurant niya sa Amerika. Bukod doon, supplier din siya ng seafood at seafood products mula Asia hanggang Australia. Nitong huling mga taon, pinasok na rin niya ang real estate. Simpleng-simpleng tingnan, pero mayaman sa dilang mayaman. Hindi siya madalas sa Pilipinas kaya siguro barok pa rin mag-Tagalog.
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.