Chapter 4 - Majujubis Incorporated

5.8K 151 12
                                    

Chapter 4 – Majujubis Incorporated

 

Nakatira ako sa isang condo tower sa Pioneer. Nabili ko ang unit mula sa sarili kong pagod. Matagal na akong hindi nakikialam sa negosyo ng pamilya. Minsan akong sumubok pero nagkaaway lang kami ng kapatid ko. Second wife ni Dad si Mommy. Kahit biyudo si Dad at dapat na patas ang tingin sa mga anak sa dalawang asawa, hindi ganoon ang sitwasyon. Mas may K ang mga anak sa una at ayaw kong makipagkompitensiya sa kanila. Maaga pa, ipinaramdam na nila sa akin na hindi ako welcome makialam sa business. Fine. I can do my own thing. And so here I am today—independent, with money in the bank, and gaining more everyday.

Nagbihis na ako para sa blind date. Si Mark ang nag-set up sa akin sa ka-date ko. Promising ang magaganap dahil nakita na raw ako ng ka-date ko sa isang event kaya hiningi kay Mark ang number ko. Nasa Australian branch ng kompanya si Mark, habang itong makaka-date ko naman ay isa sa executives sa Pilipinas. The guy's name was Frank, a German.

"He's a German Frank," bulong ko habang nag-a-apply ng makeup, sabay tawa. Well, if his sausage was huge, so much the better. Hindi ba, iyon naman ang sinasabi ng mga babae? The bigger the better?

Oh, how I longed to be touched. Siyempre, sa edad kong ito, gusto ko na ring maranasan ang ganoong bagay. Siguro nararanasan ito ng lahat ng babae sa mundo. Iyong parang lahat ng kakilala mo may experience na, ikaw na lang ang wala at parang wala sa hinaharap ang pag-asang maranasan ko 'yon.

Noong ginusto kong ibigay kay Mark ang sarili ko at lumabas na bading siya, na-trauma ako na hindi ko maintindihan. It didn’t make any sense but I sort of dreaded doing it with Zandro. Or maybe, the reason was something else altogether. Hindi ko kayang i-explain at hindi ko na rin inisip pa. Masaya akong walang nangyari dahil hindi naman kami nagkatuluyan.

Maybe Mr. Sausage will be the one. Who knows? Sa isang restaurant sa Timog Avenue kami nagkita ni Frank. And oh my, what a good-looking guy! Gusto kong tawagan si Mark at magpasalamat. Green eyes, tall, dark brown hair, a model's face. Best of all, Frank had a smile on his face that told just how pleased he was to see me. Maybe it can be a start of a beautiful romance! Tumayo siya at inilahad agad ang kamay.

"You look stunning. I'm very happy you came."

Awww. Stunning daw ako. Feel na feel ko. Kadalasang "cute" ang papuri sa akin na walang ipinagkaiba kapag sinasabing "cute" ang isang teddy bear. He's sweet. Ipinaghila niya ako ng upuan at ipinaalala ang isang kasal na ako ang nag-organize kung saan niya ako unang nakita. Sa totoo lang, hindi ko siya naaalala dahil bihira akong makaalala ng isang bisita sa wedding. Always busy ako sa mga events. Hindi rin mag-stand out sa akin ang isang puti sa kasal na halos lahat ng bisita ay puti.

"Mark said you've seen before."

"Yup. Alice and Henry's wedding."

"Oh. You should've said hello," nakangiting sabi ko.

"You seemed busy then. Care to order?"

Um-order ako—Caesar salad, seafood risotto, white wine. Um-order siya. Nagulat ako. Piyesta ba? Good for six ang in-order niya!

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon