Chapter 20 - Sampal

3.6K 105 3
                                    

Chapter 20

 

Dear Diary,

 

I think I'm in love.

 

Finally, I fell in love again.

 

And it feels FANTASTIC! Because I think he loves me, too! How often can one say that about one's object of affection? I mean seriously! Maski ako nga, bigo noon. Inakala kong nakatagpo na ako ng lalaking mahal din ako, as it turned out, he didn't really love me. And Mark? Yes, of course I loved Mark! And he loved me, too. But... it will never be anything more than platonic love.

 

Ngayon, totoo na ito! Naloloka ako. Itong buong linggo, araw-araw kaming magkasama ni Octavio at wala kaming ibang ginawa kundi ang maglambingan. He is the one for me! He is perfect! I want to scream at the top of my lungs and tell the whole world I AM IN LOVE! I AM THE LUCKIEST GIRL IN THE WORLD! I DON'T HAVE TO MARRY STANLEY ANYMORE!

 

XOXO,

 

Becky

**************

"Every little he does is magic," kanta ko nang maisara ang diary. Kung totoo lang ang nangyayari sa cartoons, malamang kanina pa heart-shaped ang mga mata ko. 'Kaloka!

"Masaya si Madame," ismid ni Inday. Mukhang siya ang malungkot. Ilang araw ko nang napapansin. Siguro dahil wala si Martin. Hindi rin niya alam kung nasaan at wala siyang alam tungkol doon, ayaw sabihin ni Martin. Ilang ulit ko na siyang narinig na kaaway ang boyfriend sa phone. "Matigas ang ulo ni Madame. Binilinan nang 'wag masyadong pakasaya dahil ang saya, lumilipas din 'yan! Lalo na kapag ang yawang siyota mo, ayaw sabihin kung nasaan siya at hindi mo mabantayan dahil kailangan mong siguruhing maayos ang lagay ng isang matabang babae!"

Imbes na magalit, natawa na lang ako. "Hindi naman kita pinipilit bantayan ako, ah? Ikaw naman ang nag-present ng sarili mo. Nakiusap ka pa nga sa akin."

"Kasi sabi sa 'kin ng isang walang kuwentang lalaki sa mundo, kung may bagong aswang daw, dapat kong bantayan ang nakapatay doon! Hmp!"

"O, tapos na ang trabaho mo, kung tutuusin."

Ngumuso siya. "Oo nga, Madame, pero bilin ka rin sa akin ni King Octavio. Dapat daw parati kitang aasikasuhin. Akala ko kapag na-confirm ko na kay Kamahalan na totoo nga ang pagsulpot ulit ng draugr, lalaya na ako sa ganitong trabaho, hindi pa rin pala. Hindi naman sa nagrereklamo ako, Madame, dahil sino lang ba ako, 'di ba? Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral, in eben dow I am byotipol if I don't heb education, I am natheng! Natheng!"

"Sobra ka. Puwede ka naman mag-aral ulit, ah?"

"Hindi pa sa ngayon, Madame. Isa pa, nagtanong din si Kamahalan sa akin kung bakit hindi ko agad ipinaalam ang tungkol sa draugr. Kasi naman, ano bang malay kong hindi pala aswang lang 'yon, 'di ba? Minsan kasi OA din magkuwento si Manoy. Eh, nag-alala nang husto si Kamahalan. Muntikan na kasi tayong nadale."

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon