KISS ME
Alas-kuwatro impunto, dumating si Octavio. Casual lang ang suot ko, isang maxi dress at sandals. Kung sakaling mamasyal kami sa beach, mas gusto kong komportable ang suot ko. Baka mamaya mapasubo na naman ako sa lakaran. Nakangiti siya. Isang basket ng bulaklak ang ibinigay niya sa akin. How sweet.
Inilahad niya ulit ang braso niya sa akin at umabrisiyete ako. Ang bango niya, ang sarap magdikit ng ilong sa leeg niya.
"You look lovely."
"Thank you. You look wonderful." Casual din ang suot niya, eggshell chinos at puting button-down shirt. The man was wearing sandals as well. At ang mga kuko sa paa, sparkling, shimmering splendid sa linis.
"Thank you. That's very sweet of you to say."
Ayokong pigilan ang sarili kong kiligin. Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa sa akin ng lalaking ito. Octavio was irresistible. He was everything I was looking for in a man and so much more. Lumakad na kami.
Sa labas ng mansiyon ay naghihintay na ang isang wrangler jeep. Mayroong sakay na driver iyon. May nakita akong basket sa front seat so malamang na magpi-picnic kami. Inalalayan ako ni Octavio na sumakay, saka siya tumabi sa akin sa likod ng jeep. Nakapatong ang braso niya sa likuran ng upuan, parang nakayakap sa akin. Feel na feel ng tabachingching ang lahat.
The world seemed to want to make this as beautiful as possible. Sa isang bahagi ng isip ko, dumaan ang posibilidad na baka sakaling sinadya ng tadhana ang lahat ng nangyari para makilala ko si Octavio, para magpatuloy ang hindi maganda naming simula at mauwi sa ganito. Hindi ba at may malaking posibilidad na ganoon nga ang nangyari? How often had one heard of dark creatures appearing out of nowhere? At kung hindi nagpakita ang mga nilalang na iyon, malamang hindi naman kami nagkaroon ng ganito ni Octavio. At kung ganoon, wala nang option kundi pakasalan ko si Stanley Chan. What were the odds that I will meet someone who can solve the monumental financial burdens of my family?
And now, nature was making this second date lovely. Kahit ang araw na humahalik sa mga damo at puno, parang sinasabing bagay kami ni Octavio. The colorful flowers being kissed by the equally colorful butterflies told me something-this was probably destiny. At sino ako para makipagtalo sa tadhana?
Napakalinis ng isla. Kahit ang daan pababa sa beach ay malinis at maaamoy ang bango ng mga bulaklak. The air was fresh, the scenery breathtaking. And the company? Just wonderful.
Nang makarating kami sa beach, umalis na ang naghatid sa amin. Wala akong natanawang ibang sundalo sa paligid. Sa bahaging ito ng mundo, kami lang ni Octavio ang tao at wala ni isang kaluluwang puwedeng mang-istorbo sa amin. Perfect.
Si Octavio ang naglatag ng blanket sa ilalim ng isang puno sa beach at doon niya ipinatong ang basket. Ikinuha niya ako ng orange juice, freshly squeezed, according to my taste buds.
"This is wonderful, Octavio," nakangiting sabi ko. I was in the mood to flirt.
"And you are wonderful, Rebecca."
Nag-blush ako. "You are very sweet, Octavio. I think you must not be too sweet to me though. I might not leave this place."
"You can stay forever."
JUICE KO, LERD! Binabaliw ako ng lalaking ito. Lahat ng pandama ko, sinasabing siya na ang The One. Ang tagal kong hininitay at inakala kong hindi na darating pa pero heto siya sa harap ko, isang hari. Shet, ang hirap maka-get over sa katotohanang 'yon. Ang bilis-bilis at parang ipuipo pero kailan pa ba nagkaroon ng timeline ang pag-ibig? Kailan pa nagkaroon ng rule?
"You're making me blush."
"And I like seeing you turn red. You look even more beautiful."
"Awww..." Natunaw na ang lahat sa akin. Bigla, na-imagine ko ang mga maliliit naming anak, ang hinaharap na magkasama at masaya. Noon iniisip kong tuturuan kong mag-bake ang magiging anak ko kung babae, at kung lalaki naman ay tuturuan kong mag-tennis. I was very sporty when I was still slim. In fact, noong payat pa ako ay parati akong kasama sa sports activities sa school. Varsity player ako ng volleyball at dahil mahilig si Dad sa tennis, bata pa lang ako, marunong na ako. Tennis was the only thing interesting about my father. Bukod doon, ang iba pa niyang hilig ay stamp collection at Rubik's cube.
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.