Chapter 12 - Macho Zombie Killer

4.3K 130 9
                                    

MACHO ZOMBIE KILLER

 

Ang sabi ng doktor sa akin, wala daw problema sa bahay-bata ko pero mas mainam na magbuntis na ako agad. Hindi na raw ako bumabata. Sa totoo lang, noon pinapangarap kong magkaroon ng anak. Well, hindi anak kundi asawa at anak. Dumaan na rin sa isip ko ang posibilidad na hindi ako magkaroon ng tradisyonal na asawa at anak. Noong nag-usap kami ni Mark tungkol sa pag-aanak sakaling marating namin ang estado ng kawalang-pag-asa—ibig-sabihin malapit na kaming magkuwarenta at wala pang sariling pamilya. Napagkasunduan namin na hindi kami magpapakasal pero magkakaroon kami ng baby. Kasi ang weird din naman kung magpapakasal kami kahit alam naming pareho na hindi ko maibibigay ang gusto niya at hindi rin niya maibibigay ang gusto ko sa pisikal na paraan. In short, walang yugyugang magaganap sa kama namin. Hindi patas sa akin, hindi patas sa kanya.

Pero hindi ibig-sabihin, hindi kami puwedeng magkaroon ng isang anak. After all, para saan pa ang pagsisikap namin kung wala kaming magiging anak? Hindi naman lahat ng pamilya ay tradisyonal. Hindi rin ako naniniwalang kapag hindi mag-asawa ang dalawang tao ay wala nang kakayahang bumuo ng matinong pamilya. Lalong hindi totoong ang dalawang taong nagpakasal ay garantisadong makakabuo ng maayos na pamilya.

Dapat ba akong malungkot na bumuo ako ng desisyong ganoon noon? Sa palagay ko ay hindi. Masyado lang maraming binuong tula at kuwento na tungkol sa love. Sa totoo lang, overrated naman 'yan. Naniniwala ako sa sinasabi ng marami na happiness is a choice. Piliin mo ang kaligayahan mo at hindi iyong aasa ka sa ibang tao.

Hindi ba mas nakakalungkot na maraming tao ang iniisip na nakasalalay sa ibang tao ang kaligayahan nila? I'd like to think that happiness should come from within. Parang bukal na kakalat sa katauhan mo at na sa 'yo kung pipiliin mong magpakasaya o magmumukmok sa isang tabi dahil hindi dumating ang isang kapareha na laan ng tadhana.

Romantic isipin na ang mundo ay naglalaan talaga ng kaparehang para sa 'yo. That all of the universe conspired to pave the way for you to meet the person you will love forever and will love you back just as passionately. Sinisisi ko ang mga romance novels, ang mga romance movies. Can't people find happiness without romance?

Ngayon, habang hawak ko ang resulta ng tests ng doktor, naisip kong piliin din na maging masaya sa desisyong ito. Logically, walang masama sa gagawin ko. Bukod sa pagkakaroon ng anak, pakakasalan pa ako ni Mr. Chan, maglalaho ang problema ng pamilya, at napakarami pang ibang benepisyo. Kaya lang, isang bahagi ng puso ko ang hindi pa pumipirma sa desisyong maging one hundred percent happy sa desisyon kong ito.

Napabuntong-hininga ako habang inaabot sa personal assistant ni Mr. Chan ang resulta. Talagang mayroong nakabantay sa akin sa labas ng clinic. Atat daw si Mr. Chan na malaman ang resulta para maipa-schedule na ako ng check up sa States, sa fertility clinic doon kung saan nakaimbak ang mga alagad niyang sasakupin ang itlog ko. Matagal pa naman ang kasal, kulang isang taon pa rin. Iyon lang, nakakakaba.

Nagpaalam na ako sa assistant ni Mr. Chan at nagpunta na sa Quiapo. Doon, may isang ale akong binilhan ng mga pangontra sa aswang at duwende, at kung ano-ano pang mga maligno. Naipa-bless ko na ang bahay at kotse pero binabangungot pa rin ako. Iyon lang, magkahalo ang bangungot ko ngayon. Dalawa ang humahabol sa akin—ang zombie at si Stanley Chan.

Kung minsan, gusto kong maisip na nababaliw na ako. Madalas kong tanong kay Manoy kung totoo ang mga nangyari at ipapakita niya sa akin ang ebidensiya. Ang sabi ni Inday, nang makatagpo daw si Yuli ng zombie ay hindi na iyon naulit nang mawala ang gem sa kanila. Siguro, kailangan ko nang i-dispose ang gem pero ayaw isuko ni Manoy, sukdulang mag-compromise kaming doon siya matutulog sa kuwarto ko para matiyak na walang susulpot na zombie sa gitna ng gabi. Kailangan kong tanggapin na may aswang. Pero hindi pa ako nababaliw para sabihin sa ibang tao dahil alam kong iisipin nilang nababaliw na ako.

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon