ARRANGED MARRIAGE
Ang buong menu ng kasalang Gavril at Yuli, makikita sa laman ng sikmura kong lumabas at ngayon ay nasa lupa, sa kabayo, sa dibdib ni Octavio. Nakakadiri at nakakahiya. Hindi makakaila ng lawang nilikha ko kung gaano karami ang nakain ko sa kasal. Gustuhin ko mang tumigil, hindi ko magawa. Naalog ang sikmura ko sa galaw ng kabayo at tindi ng takot. Heto ang resulta.
Naibaba na ako ni Octavio nang higitin niya ang renda ng kabayong tumigil agad sa pagtakbo. Gusto ko na lang tumakbo papunta sa cabana, doon magmukmok at magtalukbong ng kumot na parang kayang takpan noon ang kahihiyan ko. Sa kabila ng sama ng pakiramdam, hindi ko maiwasang isiping nakakahiya ang mismong dami ng nilafang ko.
Sa wakas, natigil na rin ang dam mula sa bibig ko. Nakakapanglata. Nakatukod lang ang mga kamay ko sa tuhod. Siguro dahil tao lang at nasagad ang kahihiyan, bigla akong napaluha. At dahil sagad na nga ang kahihiyan, wala akong nagawa kundi ang yumuko. May puting panyong tumapat sa mukha ko. Ni hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin at inabot na lang iyon para ipunas sa bibig ko.
"S-salamat."
Gusto kong itanong sa langit kung bakit kailangang mangyari sa akin ang ganito. Bakit sa harap pa ni Octavio at mismong kay Octavio ako nagkalat? Bakit ang lupit ng mundo? Umunat na rin ako at napatingin kay Octavio na nakatingin din sa akin, nakangiwi at halatang nadidiri. Napatingin ako sa paligid at halos mapanganga nang makitang may ibang tao—marami! Naka-V formation sila sa parang, ang nasa sentro ng V ay si Octavio. Ang mga kasamahan niyang puti ang bumubuo ng formation.
"Ano kayo, may dance group?" Ibinunton ko ang pagkapahiya sa pag-angil. Ang dami ko palang witness. Bakit ang bilis nilang nakarating dito? Pero mahalaga pa ba? Dapat na akong umalis at ayoko na silang makitang lahat. "I've got to go. Sorry."
Noon ko natawan ang isang puting kabayo, sakay si Inday. Ang bruha kumakaway-kaway pa. Bumaba siya sa kabayo at nag-bow kay Octavio saka humarap sa akin. "Madame Becky, are you okay?"
Sumakit agad ang ulo ko. Heto na naman itong trying hard na bruhang 'to. "Inday, gusto ko nang magpahinga."
"I will asis you. Come, come. Ambaho mo, Madame! Yakiii!"
"Shut up, please?" Patulo na ang luha ko at lalo akong napapahiya sa bruhang ito.
Mukhang nakahalata naman siya at ipinatong sa balikat ko ang shawl niya. Inakay niya na ako palayo. Naglakad na lang kami hanggang sa cabana. Wala pa doon si Manoy. Naligo na muna ako at nang matapos ay bumalik sa kuwarto, nandoon pa rin si Inday at nakahiga sa kama, nakataas ang isang kamay at parang enjoy siyang amuyin ang kilikili niya.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Oh, natheng." Talsik pa ang laway niya sa exag na pagbigkas. Nakangiti siyang bumangon. Tumayo siya sa gilid ng kama at nag-curtsy. "I oper you my serbis, Madame."
"Ano?"
"I oper you my serbis." Nag-curtsy siya ulit.
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.