Chapter 19 - When Octavio Lost the Gem

3.9K 92 8
                                    

No guilt is forgotten so long as the conscience still knows of it.

- Stefan Zweig

 

WHEN OCTAVIO LOST THE GEM

 

Chapter 19

 

The whole castle was in chaos. Octavio had killed over forty vampires, all of whom were part of Dmitri's army. Napakalakas ng sasal ng kanyang dibdib sapagkat batid niyang ang pakay ng mga sundalo ay ang Hiyas ng Buhay. Responsibilidad niya ang pangalagaan ang hiyas at naisip niyang dahil sa mas mahabang oras na kailangan upang magsanay sa pakikipaglaban, mas magiging madaling pangalagaan ang hiyas kung hindi niya iyon isusuot.

 

The gem that gave him strength was hidden in one of the towers of the castle. May sariling mahika ang hiyas at batid niyon kung nasa pangangalaga pa ng dapat magmay-ari o wala na. Kapag pormal nang naipasa ang hiyas sa prinsipe, ang haring dating nangangalaga roon ay malaya na sa obligasyong iyon ay pangalagaan at hindi na manghihina pang muli, mawala man ang hiyas o hindi.

 

Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi lamang ang pisikal na lakas ang hatid ng hiyas, sapagkat iyon na ang nagsilbing simbolo ng hari mula pa nang magsimula ang kanilang lahi. Higit pang mahalaga ang simbolo niyon sa mga bampira kaysa sa gintong korona.

 

Tinahak ni Octavio ang paikot na hagdan pataas ng tore, ang bawat sundalong kalaban ay kanyang sinasagupa. There were just too many soldiers. Ang kanyang ama ay hindi niya makita kanina pa. He wondered where he was and he thought he was inside the tower. Marahil hindi pa nakukuha ni Dmitri hiyas. Iyon lamang ang maaaring maging pakay nito at ng mga sundalong suot ang badge ng pamilya ni Dmitri.

 

Kung bakit tinangka ito ng lalaki ay tanging ito lamang ang nakakaalam. Wala ni anumang ipinahiwatig ang lalaki tungkol sa ganoong uri ng pakay. Kailanman, hindi naging interesado si Dmitri sa hiyas. O marahil sa tinagal-tagal ng panahon ay naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon.

 

Nang makarating sa landing ay tinakbo na ni Octavio ang pintuan kung saan naroon ang hiyas. Pagbukas niya sa pintuan ay bumulaga ang naghihingalong si Celeste, isa sa mga babaeng sundalo ng hukbo, pinsan niya, at asawa ni Gavril. Hawak ng babae ang isang espada, puno ng galit ang mga mata.

 

Pagtingin ni Octavio sa kinaroroonan ng hiyas ay natuklasan niyang nakabukas na ang sisidlan niyon. Ang mga kompikadong kandado ay wasak na. Hawak ni Dmitri ang kuwintas kung saan ang Hiyas ng Buhay ang nagsisilbing pendant, habang ang ama ni Octavio ay abo na lamang sa sahig. Ang tanging indikasyon na ang nagmamay-ari ng abo ay ang dating hari ay ang damit na nakatabon doon.

 

Tumawa si Dmitri. "Sa wakas!"

 

"Bitiwan mo ang hiyas, Dmitri," ani Octavio.

 

"Nababaliw ka na ba? Ito ang matagal ko nang gustong makuha at ngayon ay nasa akin na."

 

Humakbang si Octavio ngunit naisuot na ni Dmitri ang hiyas sa puntong iyon. Unti-unting nanglambot ang kanyang mga tuhod at wala nang nagawa nang lumundag pababa ng tore si Dmitri. Nanatiling inutil si Octavio na ngayon ay ganap na ang panghihina. Sumisigaw ang kanyang isipan, tila ang lahat ng kanyang ugat ay nag-uutos na sundan si Dmitri ngunit wala siyang magawa kundi manatiling nakadapa sa sahig, ni hindi magawang itihaya ang katawan.

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon