YULI AND GAVRIL'S WEDDING
It was a beautiful wedding. Hindi ko na mabilang kung ilang kasal ang dumaan sa palad ko pero ang kasal nina Yuli at Gavril ang pinakamaganda. Kung sana lang kaya kong hindi tingnan si Octavio maya't maya. Ni hindi ko alam kung paano nagagawa ni Yuli na si Gavril lang ang tingnan kung agaw-atensiyon si Octavio. It's not even as if the man was trying to grab anyone's attention, he just does. Kakaunti lang ang bisita sa kasal at kahit ang mama at Ate Sandy ni Yuli ay ilang ulit kong nakitang tumitingin kay Octavio. The man's presence commanded attention.
Sa reception, ilang tao ang nagsalita sa partido ni Yuli. Sa partido ni Gavril, si Octavio ang nagsalita. Hindi ko maiwasang tumigil sa trabaho at tumingin sa kanya. Hindi ako pansin sa bandang likod ng mga mesa, malapit sa buffet table.
"I would like to wish the newly-weds the best in life. I have known Gavril for a very, very long time. Longer than we both care to admit. He's been a loyal and trusted friend. Seldom can one find someone as dependable as Gavril. And I know that Yuli will take care of you, my friend. You had better take care of Yuli as well, Gavril. She's a rare gem."
Pumalakpak ang mga epal na puti na wala akong ideya kung sino-sino. Sa lahat ng ikinasal na nahawakan ko, ngayon lang nangyaring hindi nag-abalang ipakilala sa akin ang entourage at hindi rin naglaan ng upuan para sa ibang bisita. Sa katunayan, marami sa mga bisita ang hindi naman nakikisali sa kasiyahan at paikot-ikot lang sa venue. Higit sa lahat, ngayon lang ako nakaranas ng kasal na napakaraming pagkain pero halos walang kumakain. Weird. Nakahawak na ako ng mga kasal na puti rin ang mga bisita pero kumakain naman sila. Naisip ko na lang na siguro, kapag taga-Romania ay hindi masyadong kumakain dahil international naman ang piniling handa ni Yuli at hindi rin kailanman napahiya ang caterer na pinili niya. Tinikman ko pa nga lahat ng pagkain kanina dahil nag-aalala akong baka lasang-paa dahil hindi halos nagalaw ng mga imported na bisita. Everything tasted perfect. Pero walang kumakain, maliban sa mga Pinoy na bisita.
"I was planning to give a special gift to the newly-weds. Unfortunately, due to some problems, the gift shall be given after the honeymoon. Oh, it's very hard when my most competent man is getting married and therefore I had no choice but to trust a less capable person to handle it."
Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko nang tumingin siya sa akin. Talagang ako ang sinisisi niya! Eng-eng din 'tong isang 'to! Ano, lahat inasa niya sa tauhan noon kaya hindi niya alam kung paano makipagnegosasyon ngayon? May tawag doon: tanga. Walang kuwenta ang hilatsa, kung utak-lugaw naman ang may kanya. Bobito Lalu pala itong Octavio na 'to at ako pa ang gustong palabasing may sala. Uminit ang ulo ko pero pasimpleng inasikaso ang buffet table. Sana walang makahalata. Hindi araw-araw sinasabing incompetent ako ng isang tao kaya nag-iinit ang ulo ko. At sakaling ganoon nga, dapat pa ba niyang ipaalam sa lahat?
Salamat at hindi na nagtagal sa panglalait sa akin si Octavio. Nagpatuloy siya sa pagbibigay-pangaral sa ikinasal—tungkol sa love, sa trust, sa devotion. Imposibleng hindi makinig ang lahat sa isang tulad niya. Kapag siya ang nagsasabi ng mga ideals sa love, parang masarap isipin at pangarapin. The man was full of wisdom. Puno ng wisdom kahit eng-eng sa negosasyon ng lupain.
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampiroHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.