Introduction

28K 446 41
                                    

Writer's Note: For your reading pleasure (and for you to have an idea on how writers work, if you're interested in that) this part will not be removed from Wattpad but will not be seen in the book, which shall be released on September. Again, THIS PART HAS BEEN SCRAPPED.

To start reading the NEW story, you may jump to this link:
http://www.wattpad.com/101175974-diary-ng-chubby-2-bitter-herbs

Thank you very much.

_______

Maria Kristina Agueda ang buo kong pangalan. "Tingting" ang itawag mo sa akin. Kapalayaw ko ang nanay ni Mikee Cojuangco, kahit malayo ang sukat ng katawan namin sa isa't isa. Hindi ako tingting; sabi nila, fat-fat daw ako. Doble ang baba ko, parang nakalulon ng buong pakwan, at walang space sa pagitan ng mga hita. Kung bakit naman kasi ginawa pang Tingting ang palayaw ko. Ang sabi, nakatuwaan daw ng kapitbahay namin noon dahil isinilang akong payat. Dahil natakot ang Lola na magmukha akong ginutom na alipin, pinasuso ako ng mamahaling gatas kahit dukha kami. Namatay kasi sa panganganak sa akin si Nanay kaya walang boobs na nagbigay-sustansiya sa katawan ko bilang sanggol.

Sabi ni Lola, three years old na raw ako, hindi pa ako nagsasalita. Kaya pinakain niya ako ng chenelin ng baboy. At mula raw nang kinain ko 'yon, wala nang tigil ang bibig kong parang armalite.

Bungangera ako, aminado ako, manang-mana sa lola at ama. Si Lola ay dakilang cougar, sosyal na katawagan sa mga thundercat na tirador ng mga bagets. Ang bansag ko sa kanya, si Annie Batungbakal. Kahit hindi kami taga-Frisco, gabi-gabi halos naman siyang nagdi-disco. Sa umaga rin, dispatsadora siya ng jeep. Sa gabi, talagang bonggang-bongga ang Miss Universe 1854, hataw sa pa-ballroom para sa mga tropang pustiso. Pero ligawin ng mga bagets si Lola sa kadahilanang hindi ko kayang ipaliwanag.

Ang aking dakilang ama ay agent. Ahente ba. Nakatambay siya araw-araw sa Banawe, taga-takbo ng mga piyesa. Iyon na ang namulatan kong trabaho niya.

Ako? Well, ako ang pinakatalentado sa buong angkan. Hindi ako nakapagtapos ng high school pero maganda ang trabaho ko kahit paano dahil nakapasok ako sa isang sosyal na salon. Umaasenso na rin ako dahil noong una, utusan lang ako doon. Pero ngayon? Manikurista na ako! Pero higit doon, madalas akong placer sa mga amateur singing contest, dance contest, beauty contest para sa matataba. Yes, dear friends, pangarap kong maging next Anne Curtis, chubby version.

Maganda ako kaya kahit extra-extra large ang size ay ligawin pa rin. Pagdating sa kagandahan, mana ako sa lola. Ang problema ko lang sa boys, puro jejemon ang nagkakagusto sa akin. Anyare? Bakit hindi ako makabiktima ng isang mayaman para maiahon ako sa pagkadukha?

Paano kung isang araw ma-in love ako sa isang mayamang macho? Paano kung matuklasan kong hindi lang siya basta mayaman kundi isa pala siyang... hari? Pero paano kung hari pala ng mga bampira? Magiging dinuguan ba ako? Paano kung... hindi niya ako type?

Hindi puwede! Ipaglalaban ko ang love life ko! Samahan ninyo akong makibaka sa mundo ng mga jejemon, bampira, mga makakalyong paa with matching malalim na ingrown, mga mandarayang judge ng amateur contests, at mga taong galit sa matataba!

Are you ready? Lezzzz go!

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon