MOTTO NG MGA CHAKA (parts with asterisk mean they have been edited)
Dear Diary,
Oh my god, I am so excited! I'm graduating next month! And guess what? I think Mark is going to propose. I know we're both too young but Mark has always been a levelheaded guy and I really do love him! He's everything I ever wanted in a man. He's tall, with eyes so dark and expressive. It's like looking into his soul. I love him, I love him, I love him!
XOXO,
Becky
***
"So gano'n, Madame? Ipagpapatuloy mo ang pagpapanggap na hindi ka Bitter Ocampo sa harap ng mga kliyente mo?"
Kahit ilang ulit ko nang naipaliwanag kay Manoy na hindi ako nagpapanggap, pakiramdam ko kailangan ko pa ring ulitin. "Well, Manoy, lumalapit sila sa akin dahil sa serbisyong kaya kong ibigay. Hindi dahil naghahanap sila ng payo sa pagpapakasal. Kung ano ang relasyon nilang mag-asawa, labas na ako doon."
"Pero noong nakaraang may bride na super crayola sa 'yo at gusto nang makipaghiwalay, pang-MMK ang payo mo. Plastikada ka rin, Madame."
Si Manoy ay isang klase ng assistant na hindi gugustuhing maging assistant ng ibang tao—prangka, walang preno ang bibig, at mapamintas pa sa amo. Pero love ko siya. Efficient, may diskarte, higit sa lahat, totoo ang malasakit. Matagal na sa amin si Manoy, dating kasambahay pero dahil maaasahan talaga, kinuha kong personal assistant nang bumukod ako. Best of all, may dalang suwerte sa akin si Manoy.
Araw-araw kaming magkasama kaya hindi na nakakapagtakang madalas na salitang-beki na rin ako dahil beki siya. Hindi rin nakakatulong na maraming wedding supplier ang beki. Mula nang iwan ako ni Zandro, iniwan ko rin ang dati kong buhay. I left the corporate world and focused on what I have learned to love doing—organizing events. My specialty? Weddings. Ironic, huh?
"Alam mo, Madame, tandir kat ka na rin. Forty eight years na mula nang iwan ka ng impakto, wit ka pa rin bagong boylet. Gusto na kitang pausukan ng kamanyang kung minsan. Keri 'yon sa mga aswang, Madame, baka puwede rin sa 'yo—pangtanggal ng malas."
"At forty eight years na rin ang comment mo, Manoy." Ipinarada ko ang kotse sa tapat ng office. Bumaba kami. Showroom din ang opisina ko ng iba't ibang wedding suppliers. May display window kaming nagpapakita ng wedding cake at wedding gown. Sa likod ng showroom, nandoon ang opisina ko, katabi ng conference room. Bukod kay Manoy, may dalawa pa akong tauhan sa showroom at may team B ako sa events—sila ang nag-aasikaso ng event na kasabay ng event na ako ang nagha-handle. What can I say? Business is doing well.
Wala pang limang minuto akong nakapuwesto sa mesa nang pumasok si Manoy, parang kitikiting hindi mapakali. "Madame, may gustong kumausap sa inyo. Bisita ni Ma'am Yuli!"
Si Yuli ay isa sa mga bride ko, anak ng kaibigan ng lola ko at recommended ng pinsan ni Manoy na si Inday. Tumira din sa amin noon si Inday—noong panahong nakitira kami ni Manoy kay Lola dahil nire-renovate ang unit ko, pero nakahanap din ng trabaho, kay Yuli nga.* Favorite ko si Yuli. Like me, Yuli knew what she wanted. Iyon lang, maraming detalye sa kasal ang classified. Tumataas ang kilay ko dahil hindi naman sila artista pero kung iyon ang gusto ng kliyente, sino ako para tumutol?
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampireHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.