MAY THE ODDS BE EVER CHENELYN
Chapter 21
Octavio's lips were delish. His kiss was absolutely perfect. Para akong tinatangay sa kaitaasan. Lumilipad ako. Sa bigat kong ito, lumilipad ako sa mga ulap. I felt like I wanted to breathe him in, just be one with him. Naloloka na ako sa halik niya. Kung hindi pa humampas ang malakas-lakas na alon, hindi ko pa maalala na nakatuntong kami sa isang malaking bato.
Naghiwalay kami. Umaapaw ang emosyon sa puso ko. Why the hell did I want to cry? Parang may pagkalaki-laking hiling akong biglang natupad at hindi lang iyon ang halik niya. It was something else, something that I couldn't understand as of the moment, still lost in his kiss.
"Mas magandang dalhin kita doon sa beach. Is it okay if I carry you? It's not going to be as frightening as the free fall but it can be surprising."
Napangiti ako. Bigla siyang nag-alala dahil sa pananampal ko. Tumango na lang ako. Binuhat niya ako, saka nilundag ang mga malalaking bato para makarating kami sa beach. Maingat niya akong ibinaba sa buhangin.
"I'm sorry if I scared you, honey—"
It was my turn to kiss him. Kaunting udyok lang pala, hot na hot na ang lolo mo. I loved being kissed by this man and will forever enjoy his lips. May sayang pumuno sa puso ko sa isiping may posibilidad na habang-buhay kaming puwedeng maghalikan sa tuwing kailan namin gusto. His kiss must come with a price tag for it was exquisite.
"Octavio..." sambit ko nang maghiwalay ang mga labi namin.
"Hmmm?"
"Your lips taste heavenly."
"And yours are the sweetest I've tasted." He thumbed my lips.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad sa beach. Parang gusto kong tumalon-talon sa saya, pero sa halip, in-enjoy ko ang katotohanang magkasama kami. Walang dahilan para maging OA. Ang ganito lang na paglalakad naming magkasama ay special na. Ilang tao ba sa mundo ang ganito kasuwerte, ang magkaroon ng panahong makasama sa ganitong paraan ang minamahal?
Mayamaya naupo kami sa buhangin, hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko. He kept kissing it. Sa bawat halik, parang sinasabi niya sa akin na pareho kami ng nararamdaman. Nakangiti ako, nakangiti siya na biglang nabura.
"Anything wrong?"
"Nothing. Look at the sunset. It's beautiful, don't you think so?"
Tumango ako. Pati ang kalangitan, nakikiisa sa love team namin. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya, inakbayan niya ako. Magkahugpong ang mga kamay namin. Pinanood lang namin ang sunset. Wala na akong mahihiling pa sa mundo. Okay na sana ang lahat kung hindi biglang malakas na kumalam ang sikmura ko. 'Kakahiya. Pero ano ang magagawa, hindi sanay na walang laman itong tiyan ko.
"I'm sorry. I should've taken the food with us."
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby 2
VampirosHindi puwedeng walang kuwento si Octavio ng Diary ng Chubby, hindi ba? All rights reserved.