Chapter 9 - Kingdom's Unrest

4K 130 2
                                    

 

A true leader has the confidence to stand alone,

the courage to make tough decisions,

and the compassion to listen to the needs of others.

He does not set out to be a leader,

but becomes one by the equality of his actions

and the integrity of his intent.

—    Douglas MacArthur

 

THE KINGDOM'S UNREST

 

The kingdom was restless, Octavio was well aware. Sa loob ng napakahabang panahon na nanatili siyang nakahimlay ay umiikot ang mundo, nagbabago, at wala siyang nagawa upang awatin ang mga faction na nabuo sa labas ng kaharian. Paano niya nautusan sana ang mga tauhang wasakin ang mga faction kung iilan na lamang ang natirang tapat na nagsisilbi sa kanya, habang ang mga kampo ng ibang bampira ay palaki nang palaki sa pamamalakad ng kanya-kanyang malalakas na pinuno? Para niyang pinasugod ang ilang natitirang sundalo para mamatay para sa isang pakay na bilang hari ay hindi rin niya kayang ipaglaban nang pisikal dahil sa kanyang kahinaan.

Noong unang panahon, ang mga bampira ay mayroong pagkakaisa. Noong bata pa ay parati siyang kasama ng ama sa mga pulong. Noon, ang Legion of Ancients ay binubuo ng mga matatandang bampirang pinamumunuan ng mga head of clan. Lahat ay maaaring pag-usapan at kung ano ang pinakamahusay na pasya ang siyang tinitimbang at kadalasang nasusunod kapag napag-usapan na at nadala sa King's Court.

Ngunit nang manakaw kay Octavio ang Hiyas ng Buhay ay nagbago na ang lahat. Si Dmitri, na siyang nagnakaw ng hiyas, ay bumuo ng sarili nitong kaharian. Lahat ng miyembro ng hukbo ay nakipagtulungan dito, bagaman hindi lahat ay may pakay na tulad ng kay Dmitri. The heads of clan just knew that Dmitri possessed the Gem of Life and were frightened that he might use that against them.

Ngunit hindi naging madali para kay Dmitri ang hawakan ang respeto ng marami, lalo na ang mga bago at batang bampira. Doon na nagsimula ang pagbuo sa mga faction, mga maliliit na grupo ng bampira na mayroong sariling paniniwala. Hanggang sa nadagdagan ang mga grupong iyon, mga matatandang bampirang ayaw nang pasakop sa isang bagong pinuno na batid ng mga itong hindi tunay na hari. Some of them came to Octavio when he got his strength and the gem back. Dumami ang kanyang mga sundalo dahil sa mga iyon. Gayunman, marami pa ring nanatiling mayroong sariling grupo at walang masama roon, kung hindi lamang sa mga ulat mula sa mga nagbalik-loob na sundalo na mayroong pinaplanong rebolusyon ang ilang mga pangkat.

Slowly and carefully, Octavio and his men planned to eliminate these groups. Tulad ng sa lahat ng labanan, mayroong mga naiiwan at mayroong mga sumusuko. Hindi rin mawawala ang mga naghahangad ng posisyong hindi para sa mga ito.

Gayunman, higit sa mga maliliit na grupo ay batid ni Octavio na kailangan niyang paluguran ang orihinal na miyembro ng Legion of Ancients. Inaasahan na ng mga ito ang kanyang pag-aasawa. Sinasabing ng mga miyembro ng hukbo na napakatagal nang walang reyna ng kaharian at hindi na maaaring magpatuloy ang ganoong sistema ngayong malakas nang muli ang hari. Tulad ng sistema mula pa noong unang panahon, may mga mahahalagang responsibilidad ang reyna ng kaharian. Hindi puwedeng walang nakapuwesto sa posisyong iyon.

Nakapagpadala na kay Octavio ng mensahe ang mga miyembro ng hukbo at ayon sa sulat na pirmado ng mga pinuno, nais ng mga itong makapag-asawa na ang hari at dahil sa matagal siyang nakaratay lamang, nais ng mga itong makatiyak na ang makukuha niyang asawa ay mayroong nalalaman sa makabagong panahon ngayon. Kaya nagsuhestiyon ang mga itong magkaroon ng kompetisyon para makatagpo ng tamang reyna ang kaharian.

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon