Chapter 3 - Art of Plastikan

6K 177 8
                                    

ART OF PLASTIKAN

"Madame, bet ko talaga ang ex mo. Ang guwapo, o." Ihinarap sa akin ni Manoy ang laptop. Naka-log in siya at nang-stalk sa Facebook. Picture ni Mark ang nandoon, ang una kong boyfriend. "Bilib na talaga ako sa 'yo, Madame. Lahat kaya mong gawin. Kahit tunay na lalaki nagagawa mong bading. Imagine, isang sulyap pa lang sa 'yo, macho na rin ang type?" Ang lakas ng tawa niya. Hindi na ako napipikon sa joke na 'yon. Ilang ulit ko nang narinig—mula sa bibig ng iba't ibang tao—at alam kong ilang ulit ko pang maririnig. "Ang sarap i-booking nito, Madame."

I silently agreed. Mark was tall, lean, yummy. Always had been. Ang guwapo niya sa suot na amerikana sa picture. Minsan, kapag nakikita ko ang mga picture ni Mark, nai-imagine ko pa rin ang dati kong sarili. Back when I was still sweet I would've swooned, proud of how handsome, warm, and lovable my boyfriend was. Years ago I would've told my diary about how I wanted to have kids with him. Because he still was and still is wonderful. Isa lang ang problema—he's gay.

"Kailan ka ba bibisitahin nito ulit?" Hindi itinatago ni Manoy na may crush siya kay Mark. At sa tuwing pupuntahan ako ni Mark, kulang ilabas ni Manoy ang kuyukot niya sa iksi ng shorts na suot. Feeling girl talaga.

"Nasa Australia siya ngayon. Matatagalan pa yata ang uwi."

"Like dah, hindi mo alam, Madame?"

"Like duh ka diyan. Siya nga mismo hindi alam kung kailan uuwi." Napabuntong-hininga ako, naalala na naman si Mark. Ilang taon kaming hindi nagpansinan mula nang masikipan sa closet ang bruhang Mark at nagdesisyong magladlad na ng kapa. It was the night I wanted to give myself to him. It's a sad fact—he came out the night I wanted to make love to him. Sabi niya, na-realize niyang totoo ang hinala niyang bading siya nang maghalikan kami at magkapaan nang kaunti. Ayaw magpa-booking ng nota niya sa akin.

Umiyak siya, umiyak ako. Bago iyon, parating "I respect you" ang drama niya kaya hindi kami nakakapagkulong ng kuwarto. Iyon pala, kahit isang taon kaming magkulong sa kuwarto, ang tanging aksiyong puwedeng maganap ay ang pagkukulutan ng hair; at ang tanging sandatang mag-iinit ay curling iron.

Umalis si Mark noong gabing 'yon at kahit nagso-sorry pa rin ilang araw pagkatapos ng aminan, hindi ko siya nakayang harapin. Hanggang sa magsawa na rin siya. Ilang taon na ang nakakalipas nang magkita kami ulit. I was shopping for clothes, he was shopping for his mom. Siyempre, dahil lumapad ako, hindi na ako makahanap ng damit na pang-ordinaryong katawan. Doon ako sa plus size. At plus size ang mommy ni Mark. In a way, itong katabaan ko ang naging daan para makilala ko ulit ang best friend ko, ma-renew ang nawala sa amin.

The new me decided I still kind of liked him as a friend. He was, after all, a damn good friend before he became my boyfriend. Mula noon, naging magkaibigan kami ulit. Si Mark ang BFF ko at may usapan kami na kapag wala pa kaming asawa't anak kapag thirty-eight na kami, kami na ang mag-aanak. Parang insurance.

Diary ng Chubby 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon