Chapter 47

3.3K 65 9
                                    

LUKE's POV

"Anak, 'yang paa mo! Ang sakit sa tiyan!" saway ni Mama sa'kin.

"Ayan kasi, ang laki-laki na ng tiyan" I teased. Natawa naman si Papa sa gilid.

Sumimangot si Mama. "Punyeta ka Joaquin Lucas! Ikaw kaya manganak ng tatlong beses"

"Kasalanan ko Ma? So, kasalanan ko kung ang sipag-sipag niyo ni Papa?"

"Aba't ginagago mo ako ah?"

Natawa nalang ako. Inalis ko 'yung paa kong nakapatong sa tiyan ni Mama. Mukha kasing throw pillow eh. Lol. Kasalukuyan kaming nanood ng movie sa sala. Day-off ko kasi. Saka gusto ko maka-bond ang pamilya ko. I've been busy for this past few days.

"Mama! Kuya! I'm watching here!"

Napalingon ako kay Lauree na naka-higa sa carpet namin. Nasa sofa kasi kami ni Mama, naka-higa ako while siya naka-upo sa paanan ko. Si Papa naman nasa single-seat sofa.

"Si Mama, ree oh. Nag-ala-armalite naman ang bibig"

Inirapan niya ako. "Psh. Childish"

Natawa naman kaming tatlo. Natapos ang movie na wala akong naintindihan. I was so spaced out with things.

"Lauree, matulog ka na! May pasok ka pa bukas" sabi ni Mama habang nililigpit ang pop corn namin.

"Ako na, Vie. Titignan ko pa si Lorraine sa kwarto" binalingan ako ni Papa, "Nak, matulog ka na rin ha?"

Tumango ako. Napa-titig ako sa kisame.

Ilang araw na rin din kasi akog iniiwasan ni Kylie. Hindi na rin kami nagkikita kahit man lang sa office. Ramdam ko na iniiwasan niya ako.

Alam ko rin na mali ang ginawa ko. Mali ang nasabi ko. Pero kahit 'yun ang totoo, mali pa rin. Ano nalang kaya ang iisipin niya? Ang tanga ko, grabe.

Bawas puntos 'yun para makuha ko siya. Konti nalang eh, makukuha ko na ang loob niya muli pero parang boom! Nawala bigla dahil lang doon. Kainis.

"Anak, anong problema?" tanong ni Mama na naka-upo na sa paanan ko. Umupo ako ng maayos at bumuntong hininga.

"Iniiwasan niya ako, Ma"

"Talaga? Luke, 'wag ka ngang feeler. Buti sana kung magkaibigan kayo o ano man, pero walang label ang relationship niyo. Posibleng layuan ka niya."

I crunched my nose. "Ma, magkaibigan kami. We can't say it is but we're almost there"

"Eh ano ba ang ginawa mo?"

"Sinabi kong siya ang dahilan kung bakit kami nag-kahiwalay ni Cheska"

There's a long silence in scrence. Tinignan ko si Mama. Umiiling siya, kita ko ang dismayadong emosyon.

"Gago ka talaga 'no? Gago ka naman talaga eh. Akala mo hindi ko natatandaan ang kagaguhang ginawa mo sa'min. 'Yung nagpanggap kayo ni Kylie na kayo pa. Nahalata na namin noon pa. Anak ka namin eh kaya kabisadong-kabisado kita. At kung alam mo lang, ginago mo si Kylie hindi lang kami. Hindi mo man maintindihan pero 'yun ang naiintindihan ko."

Ginulo ko ang buhok. "I know, Ma. Hindi ko na talaga alam anong gagawin ko"

"Luke, I'm not trying to discourage you. Ineenggayo nga kita eh. Hayaan mong matuto ka sa mga kasalanang nagawa mo noon"

I heaved a sigh. "Ano nang gagawin ko, Ma?"

"Ikaw bahala. Nasa'yo ang buhay mo. I know, Kylie isn't a type of girl na hindi marunong bumaba ng pride. Mag-antay ka rin kasi alam mo good things comes to those who waits" she smiled and stood up.

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon