Chapter 21

3.2K 67 6
                                    

Hold On :)

_________________

KYLIE's POV

I can't sleep. Ugh! Gumulong ulit ako sa kabilang side ng kama. Hindi talaga ako makatulog. Patuloy ko pa rin kasi iniisip yung mga salitang binitawan niya. I admit, it hurts my ego bigtime.

Kung pwede lang sana, sabihin ko na kay Luke eh para matigil na rin ang kahibangan niya kay Cheska. Pero dapat chill muna ako sa ngayon. Marami pa akong patutunayan. Yung ang plano ko ngayon.

Ayan! Iniisip ko na naman. Kinuha ko ang phone ko sa kabilang side ko. 8:30 pm pa. Nasasanay na kasi akong natutulog ng mga alas-otso eh.

Kinuha ko yung sweater ko at wallet. Maglala-lakad nalang siguro ako sa park. 24 hours naman kasi doon eh. Tapos napakarami pang tao.

Buti nalang naka short at t-shirt lang ako kaya sinuot ko ang sweater ko. Agad akong lumabas ng condominuim. Binilinan ko na rin sa receptionist ang unit ko.

Sumakay lang ako ng jeep papunta doon. Pagbaba ko ay marami pang tao sa entrance. Napakalaki ng park na to. Siguradong sa kalakihan ay matatahimik ka.

Agad akong naglakad-lakad. Buti nga dito ay napakatahimik. Magkakapag-unwind ka talaga. Nagulat nalang ako ng may tumakip sa bibig ko at hinila ang braso ko.

Hala! "Hmm--.tulon-ng--hmmm" hindi ako makawala. Pinikit ko nalang mata ko. Naramdaman kong isinandal niya ako sa may bato malapit lang.

Binuka ko mga mata ko. Nanlaki mata ko and bumilis ang tibok ng puso ko. OMG!

"L-luke.."

"Bakit ikaw lang mag-isa dito?"

Hindi pa rin talaga ako magkapag-salita. Hindi pa rin ang nagda-digest sa akin.

"Ah..kasi..gusto ko ng hangin"

Tinaasan niya ako ng kilay like he doesn't believe me. "Okay."

Nagulat nalang din ako ng bigla niyang akong hinila. Bakit palagi nalang akong nagugulat? Tapos ang gulo-gulo pa nitong lalaking 'to. Sabi niya iiwasan ko na siya, pero siya tung lapit ng lapit. Anubayan! Sumasakit ulo ko eh!

Huminto kami sa may fishball stall. Hmm. Bango! Isa ito sa mga paborito kong street foods.

"Want this?" tanong niya. Hindi na agad ako nakatanggi. Masarap kaya.

"Ate, singkwenta nga neto"

Agad namang tumango ang babae. "Halatang magd-date kayo ng kasama mo ah? Alam mo iho, bagay kayo. Wag mo nang pakawalan"

Nabigla ako sa sinabi ni Ate. Hindi naman kami nagd-date ah? Bagay? Aysus. Nambola pa siguro si Ate para kumita.

Ibinigay ni Ate yung pagkain namin at binayaran ni Luke. Dapat nga ako magbabayad eh pero sabi niya siya na daw para makatipid ako.

Hindi pa kami nakuntento at bumili pa kami ng kikiam, kwek-kwek, softdrinks at chicharon. Lahat ng yan ay si Luke lang nagbayad. Kaya ng thankful ako eh.

Dinala niya ako sa wala masyadong tao pero mahangin.

"Wala tayong table cloth" sabi niya.

"Okay lang. Upo nalang tayo. Malinis naman siguro to" saad ko. Binaba ko na ang mga pagkain namin. Kung iisipin ay para kaming couple na nagpipicnic.

Gusto ko nga siyang tanungin kung anong klase set-up gust niya? Ang gulo kasi. Pero ayaw kung masira ang gabi na ito ay kikimkimin ko nalang. Save for the last ika nga.

Umupo ako. Same as him. Kinain ko na yung fishball.

"Hindi ka maarte sa mga ganyan?" he asked. I find it a little bit..awkward?

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon