Chapter 2

8K 143 5
                                    


KYLIE's POV

Napamulat ako sa alarm clock na tumunog. I lazily fished for it at tinignan ang oras. Napabalikwas ako ng higa bago muling tinitigan ang oras.

"Shit! 9 am na!" I hissed. Kinuha ko agad 'yung towel na nakasabit sa rack bago ako dumiretso sa banyo.

Bakit ko pa kasi nakalimutan na makikipagkita ako kina Mommy. Ang dami ko na talagang nakakalimutan. Dahil ba sa epekto ng nawasak kong puso? Ganon?

Pagkalabas ko ng banyo ay aga akong nagbihis ng simple white v-neck tee and a black ripped jeans. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng make-up. Pulbos lang at ang lipstick ko na medyo pale kaya maputla ako tignan. Kinuha ko na 'yung shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Kumuha lang ako ng fresh milk at ininom ito bago umalis.

Nasapo ko ang noo ko. Mommy hate late comers, and so I am right now. Kapag sinabing 10 am, 10 am talaga, no more and no less.

"Manong, diyan lang sa Del Valle Corp," sabi ko sa taxi driver bago ako ibaba sa tapat ng building namin. Binayaran ko kaagad siya. "Salamat po."

Nang makapasok ako sa building ay binati ako ng mga nakakasalubong ko. I smiled at them as a response. Of course, who wouldn't know the daughter of President of this business industry? Maliit pa lang ako ay kabisado ko na lahat ng mga empleyado dito dahil mas madalas akong dalhin nila Mommy dito. Workahalic din kasi sila after all.

"Miss Kylie." ngiti ng secretary ni Mommy kaya nginitian ko siya. I say infront of her desk.

"Hi Aira! Si Mommy?"

She smiled sweetly, labas ang mga maliliit niyang dimples sa pisngi. "Nasa loob pa po, Miss Kylie. May kausap na head director."

Naghintay lang ako saglit bago may lumabas sa office ni Mommy. I went in and saw her busy on her laptop with her eyeglasses on. I came to her and kissed her on the cheeks.

"Mommy."

She held her head up and when she saw me, she smiled a bit. "Kylie, sweetie." tinignan niya 'yung wrist watch niya, "You are late for 15 minutes already."

"I'm sorry. I woke up late, then."

Umupo ako sa kalapit na sofa at umupo. Nakaramdam ako ng pananakit ng paa dahil sa pagmamadali ko kanina. Hinilot ko ito saglit bago sumandal sa sofa. Naramdaman kong umupo si Mommy sa tabi ko, wala na siyang eyeglasses and she is smiling so sweetly. She's back from being my mother.

"You seems so tired, anak. May eyebags ka na and those pale face you have. What happened?"

Umiling lang ako at kinagat ang ibabang labi ko. "Busy lang po ak -"

"Are you still crying for him?" she asked me with so much pity on her eyes. Ito ang kinatatakutan ko, ang maawa sila sa'kin.

"No -"

"Anak, don't you dare lie at me, again."

Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon at hindi 'yun mawawala. Hindi ko nga alam kung paano. Masaya silang dalawa ni Daddy nung ipinakilala ko si Luke sa kanila as my boyfriend but when they knew about what he did, they went berserk. At mas lalo lang ang nadadagdagan ang bigat sa dibdib ko.

"Mommy.." I stared at her and she hugged me tightly. As soon as I felt her warmth against my skin, tears started streaming down.

I hate this. I hate myself for being such a weakling. Nahihiya ako dahil umiiyak ako sa harap ng mga malalakas na taong alam ko. They been so strong for me, and now I'm being a weak infront of them. Mahirap masaktan kung alam mong wala itong katapusan. Nakakapagod.

"Hindi masama ang maging mahina muna." she rubbed my back.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mata ko. "B-But I've been so weak since then.."

"No, Kylie," umiling siya. "You're strong. Malakas ka pero nasasaktan ka kaya naging mahina ka."

Patuloy lamang ako sa pag-iyak sa balikat ni Mommy. Alam kong unti-unti na akong narerelax sa paraan na ganito, ang maramdaman mo ang pagmamahal ng isang ina. Nang kumalas ako ay nginitian ako ni Mommy.

"Ikwento mo ang lahat, anak. Ikwento mo kay Mommy." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Matagal ko siyang tinitigan bago umiwas ng tingin.

"Gusto ko siyang bumalik sa'kin. Gusto ko ulit maramdaman ang pagmamahal niya. Gusto kong gawin niya 'yun pero mukhang malabo na. May mahal na siyang iba at kailanman ay hindi niya ako minahal. M-mahal ko siya at nasasaktan ako ng ganito. Bakit kailangan ko pa masaktan kung ang tanging ginawa ko lang ay mahalin siya?"

Pinunasan niya ang luha ko. "Love and pain are twins. Hindi pagmamahal 'yan kung hindi ka nasaktan, at hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal."

Inayos ni Mommy ang mukha ko bago punasan ang mga natitira pang luha sa pisngi ko. "You have to be strong, Kylie. Mahalin mo atleast 'yung sarili mo. Hindi mo kailangang magpadala sa sakit na nadarama kasi mas lalo ka lang masasaktan."

"Mahal ko pa rin siya.." I muttered and she looked at me with so much awe.

"Ipaglaban mo kung ano ang mahal mo. Pero huwag mong hahayaang mahalin mo siya sa puntong hindi mo na mahal ang sarili mo because you can't take up when you fall and break. Pero itigil mo na ang dapat itigil mo, Kylie. Mahal ka namin, marami pa kaming nagmamahal sa'yo." Aniya at nginitian ako. I smiled back.

Hindi lang siguro si Luke ang buhay ko, atleast marami pa sila. Ang hirap. Ang hirap pero hindi mo malalaman kung madali kung hindi mo susubukan 'di ba? I need to be strong. Atleast.

Napabuntong hininga ako. "Salamat, Mommy. Thank you po."

"I'm your mother, Kylie."

"Of course, alam ko po." I chuckled and stood up, "Treat kita ng lunch, Mom."

Tinawanan niya na rin ako bago tumayo at dalhin ang bag niya. "Well, that's your first lunch treat to me, sweetie."

I laughed and smiled sadly.

Masaya ako. Magiging masaya nalang.

***

a/n: Edited version it is. Thank you for patiently waiting! Miss you all guys 😭😘

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon