Chapter 09

4.8K 93 4
                                    

CHAPTER 09- The Second Step

___________________________________

Nakahiga lang ako sa kama. Wala naman akong magawa eh. Tsaka ayoko munang mag-emo. Pagod na pagod na ako sobra. Ayoko na talaga.

Si Julianna? Ayun. Nandito pa rin, one week daw muna siyang mags-stay. Tsaka, nagp-plano na si Tita kung magiging kasama ko siya sa condo dahil wala naman daw makakasama si Juls sa bahay dahil stewardess nga si Tita.

Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto, "Hey.Hey.Every word I say!!" kanta ni Juls. Hyper ata to.

"Julianna Michelle! Shut up!" sabi ko. Umupo siya kama sa gilid ko.

"Tara. Mall tayo" yaya niya.

"Mall na naman?! Kaka mall lang natin nung nakaraang araw ah?! Hindi ka pa nagsasawa sa pagmumukha ng mall?!" sigaw ko. Kasi naman mukha ng mall ng babaeng to.

"Eh! Ang bored kasi, wala akong magawa." sabi niya sabay pout at humiga.

Nagulat ulit ako ng sumigaw bigla, "Tara sa bar ni Ate Cass!"

Oo nga no. Matagal na kaming di nakapunta sa bar ni Ate Cass. Di siya bar na may bold or hard drinks. Bar siya na kung saan makakalimot ka ng problema mo kumbaga entertainment. Tsaka, pinsan ko si Ate Cass kaya close kami ni Juls sa kanya.

"Game!" pag-agree ko.

---

Saglit lang kaming nag-ayos at nakarating agad kami sa bar.

Hinanap ng mga mata namin si Ate Cass. Nang makita namin siya eh kumaway kami at pumunta sa lugar niya.

"Ate Casssss!"sigaw namin at yumakap kay Ate.

"Wow. Namiss niyo talaga ako sobra eh no?"

Humiwalay kami muna sa yakap, "Malamang ate Cass. Meron bang ang yakap ng sobrang higpit tapos di na miss?" sarkastikong sabi ni Juls

Napairap naman si Ate Cass, "Haynako. Same Julianna as ever! O? Insan? Kamusta na?" baling niya sa akin.

"Okay lang."

Umupo kami sa VIP section ng bar. Naglapag naman si Ate Cass ng iced tea.

"What's with the okay lang?"

"Hmm. Okay lang ako. Mabuti. Nothing happened more than that" then I smiled. Tinignan niya ako with disbelief pero tumango nalang din siya. Knowing Ate Cass.

"Nga pala, ate Cass! Musta na lovelife?" May boyfriend kasi si Ate Cass si Kuya Dom. Kaso ng lang LDR sila.

"Same. Ganun pa rin. Namimiss ko na nga siya eh. Parang feeling na gusto ko siyang sundan dun sa Alaska."

Binato siya ni Juls ng fries, "Awtsuu! Ang mais-tuhod mo naman!"

Binato rin siya ni Ate Cass ng fries, "Kung ako mais. Eh ikaw? Ampalaya sa kabitteran. Wala pang boylet eh"

Umirap lang si Juls.

"Eh yung isa nga jan eh.......Durian!" napatingin ako ng masama kay Juls. Durian? Diba ang Durian mabagal. Tulad ko ang bagal ko mag-move on. Yan ang gusto niya iparating.Tss.

"Hay bahala nga kayo jan! Osige una muna ako dun ah!" paalam ni Ate Cass. Ngumiti lang kami.

Habang umiinom ako ng iced tea eh biglang kinuha ni Juls ang cellphone ko. Anong trip ng babaeng to?

"Hoy! Akin na nga yan! Anong gagawin mo diyan?!" sabay agaw ng phone ko sa kanya pero nilayo niya ito at bineltan ako.

"Akin na nga yan sabi eh! Putspa, Juls! Isa!"

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon