Chapter 3

6K 132 5
                                    


KYLIE's POV

"Good Morning, class." sabi ng professor namin nang makapasok siya sa classroom.

Umupo na kaming lahat after we greeted her. Saktong pag-upo ko ay ang pagpasok ng dalawang tao sa classroom. Lahat ay nakatingin sa kanila, even my heart reacted.

"Ms. Lim and Mr. Alvarez. Why you two are late again? Baka naman inuuna niyo 'yang lovelife niyo over attending my class?" she stated sternly. Ngumiti lamang sila bago umupo sa harapan ko. Punyeta. Bakit dito pa sa harap ko?

Oh gosh, Universe, why are you making it hard for me?

"Ches, ang basa ng kamay mo. Are you nervous?" tanong ni Luke sa kaniya.

"A bit. Baka kasi padalhin tayo sa Dean because of our actions. Ikaw kasi, nawiwili sa kakayakap sa akin kanina."

"I just missed you."

Napairap nalang ako. Sa harap ko talaga? Gusto kong sabihin sa kanila na nasasaktan na ako dito, bakit kailangan pa nila dagdagan 'yun? Wala na ba silang awa?

Cheska giggled lovely, her dimples was so evident. Well she's really beautiful kaya nahumaling sa kaniya si Luke. She has those white porcelain skin and a brown rounded eyes. Compared to my sun-kissed skin but its fair and my black-buttoned eyes. Hindi rin naman ako ganon kaganda.

Napailing nalang ako. Why am I even comparing myself to her?

"Kylie."

My heart beat rapidly when I heard his voice. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakangiti siya sa akin.

"Ha?"

"Partner tayo sa activity," napakamot siya sa ulo niya. "I'm sorry kung late kita in-approach."

Napatanga nalang ako sa kanya. Hindi ko na pala alam na may in-announced si ma'am na activity namin ngayon, masyadong malayo ang nilipad ng utak ko. Plus, the fact na partner ko si Luke. Anong joke ba 'to? Hindi na ako natutuwa.

"G-ganon ba? H-halika na." pinaupo ko siya dito sa tabi ko. Umupo naman siya at kumuha ng isang papel at ballpen.

"Different literatures around the world." he said and kept on writting on the paper. I sighed and looked at him.

Hindi pa rin siya nagbabago. Naroon pa rin 'yung mga mabibilog niyang mata, mahahabang pilik-mata, manipis na labi pati na rin ang matangos niyang ilong. Ang magulo niyang buhok na minahal ko. Ang lalaking minahal ko at ang magiging dahilan ng sakit na nadarama ko ngayon. I can't imagine my future without him before, nung kami pa. Ang taong paglalaanan ko ng sarili ko. Pero mawawala rin pala ang mga pangarap ko with him.

Nang magtama ang mata namin ay umiwas agad ako at tumingin nalang sa labas ng bintana. Ramdam ko ang mga malalim niyang titig sa'kin sa huli ay napabuntong hininga nalang siya.

"Kylie, wala naman sigurong problema, right?"

I looked at him. "What do you mean?"

"I know, you're tensed. About our past.."

"No. I'm alright." ngiti ko naman sa kaniya kaya ngumiti rin siya pabalik na agad nagpatunaw sa'kin.

Namimiss ko na siya. Naalala ko pa 'yung mga panahon na madalas kaming umupo dito, sa pinakalikod at sa tabi ng bintana. Kapag hindi namin gusto makinig ay pinagmamasdan lang namin ang mga estudyante sa labas ng bintana at magtatawanan. 'Yung may sakit ako at siya mismo ang magpapaalam sa professor namin at sasamahan ako sa clinic kahit hindi na siya um-attend ng klase niya. Iyong madalas namin pagtawanan ang mga kaklase namin. 'Yung mga masasama niyang titig sa mga kaklase kong may crush sa'kin at kung paminsan ay nagseselos pa siya dahil kinakausap ko sila pero ako pa ang nanunuyo sa kaniya.

"Masaya ka ba?" bulong ko at napapikit nalang ng mariin. Nang imulat ko ito ay ang nakakunot-noong Luke ang nakita ko.

"W-what?"

"Narinig mo ang sinabi ko? Hala! Sorry, hindi ko sinasadya." sabi ko dahil nahihiya ako. Ba't ko pa kasi nasabi 'yun?

He chuckled and shooked his head. "Repeat your question. I heard it right."

"M-Masaya ka ba?" ulit ko.

"Saan?"

Matagal ko siyang tinitigan bago ipagpatuloy ang tinanong ko.

"K-kay Cheska.." bumuntong hininga ako. "Masaya ka ba sa kaniya?"

Sana. Sana, hindi. Gusto kong sabihin mo iyan. Pero napakaraya ng mundo at sinagot mo ang dapat na hindi mo nalang sinagot.

"Oo. Masaya ako. Masaya ako sa kaniya."


***

a/n: Edited!

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon