Chapter 22

3.4K 54 2
                                    

Complicated :)

__________________

KYLIE's POV

Tatlong oras lang ako nakatulog. Paano ba kasi, alas dos na ako pinauwi ni Luke kagabi. Tapos nagreview pa ako para sa long test namin sa Medicine11 ko. Tapos may klase pa ako ng alas otso. Oh diba? Living zombie.

Ano bang ginawa namin? We stayed like that. Ewan ko ba pero sa tinatagal ay naging kumportable rin ako. Pero ang di lang inaasahan ay tinulugan ako ni Luke. Nakakainis nga eh. Tapos nung nagising na siya ay niyakap pa ako ng mahigpit. Deep inside kinikilig na kaya ako. Tapos ayun pinauwi na ako. Syempre ako lang. Wala daw siyang dalang kotse eh. Nag-commute lang. Weird. Kaya ayun, nagpasalamat siya. Ako rin.

Complicated no? I don't know, what's our set-up. Kasi hindi niya ako sinagot kagabi dun sa tanong ko. Tama bang yakap lang ang sagot? Pero baka siguro, actions are better than words.

Zombie akong naglakad papunta sa taas. Nasa taas pa kasi ang MedLab. Konti nalang pakurap na mga mata ko.

"Oh hi Kylie" nakasalubong ko si Jasmine, ka-org ko.

"Oh bakit?"

"May gagawin tayong Clean-up sa sabado. Sa may Forts Subdivision."

Napa-upo ako sa hagdanan. Same as hers. "Kailangan pa ba yan?"

"Syempre no. Dagdag points yan sa Acads natin."

Hay. Super stressed na ako. Isa pa tung org ko. May envi1 kasi ako na slot dito eh. And isa sa requirement ay ito, ang sumali sa mga chuchu na yan.

"Sige. sige. Anong oras ba yan?"

"Mga 9 am. Uy. Punta ka ha? Para wala na tayong finals diyan sa envi1. Kailangan natin mag tiis"

Tumango ako. Hirap maging graduating eh. Pero worth it naman kung makatapos ka na. Kaya nga nung sinabihan ako ni Daddy na mag masteral at doctory ako ay tumanggi ako. Aba! Ang hirap kaya. Lalo na pag mag-masteral ka. Buti nga at naintindihan din ni Daddy.

"Uy. uy. May chika ako"

Tinaasan ko siya ng kilay. Kung alam niyo lang, reyna kaya to ng chismisan.

"Alam mo bang may kasama si Cheska na ibang lalaki. Hindi kaya nagtwo-time siya?"

Nasamid ako sa sarili kong laway sa tanong niya. The hell. I know that. Higit pa sa two-time ang ginawa niya. I suddenly felt pain inside. Napangiti ako. Ganun ako ka-concerned lalo na sa lalaking mahal ko.

I looked at my wrist watched. "Osya. Una na ako ha? Next time nalang tayo mag-chismisan. Leggo"

"Sige, bye" she said.

Its kind'a weird. Di pa rin ba tumitigil si Cheska sa pagiging bitch niya kahit alam niyang may nasasaktan na siya?

---

Kakatapos lang ng klase namin. Inaya agad ako ni Juls sa Student's Room. Yung room na may aircon na parang library ang peg. Pinagawa to ng Student Council ng A.U para makapag-gawa ng mga stuffs ang estudyante.

"Bili muna ako ng meryenda" paalam ni Juls. Tumango ako.

Idinukdok ko ang ulo ko sa table. Pago ako. Sobra. Plus malapit na rin ang deadline ng thesis namin. Nakakaloka!

Dahil wala ako masyadong ginagawa ay kinuha ko ang netbook ni Julianna. At inopen ito.

Nag-open lang ako ng twitter at facebook. Pero may isang post ang nakahalukip-kip sa akin. Picture ni Cheska at Luke. Halatang masaya ah? Magiging masaya pa ba sila pag sinabi ko ang totoo?

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon