Chapter 14

3.9K 75 3
                                    

CHAPTER 14- Candied Necklace

____________________________________

KYLIE's POV

"Kylie! Sumama ka na!"

"Ayoko"

"Ehh! Sumama ka na! Kailangan mo yun!"

"Ayoko pa rin!"

"Sumama ka na! Friendly date lang yun! Don't think maliciously!"

"A.YO.KO"

"What the!"

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito. Nagsisigawan kasi kami eh. Pano ba naman, niyaya ako kanina ni Rence sa susunod na sabado na mag FD daw. Eto namang isa dito nung nalaman eh kailangan ako pilitin na sumama. Di naman sa ayoko pero.....date yun eh.

Sabi nila kailangan ko yun pero para sa akin hindi eh. Mas masakit pag ganun. Maraming memories.

"Kylie naman....enjoy companies to others. That's the step #4. Makakalimutan mo siya pag nag entertain ka ng iba. Ayaw mo bang palitan siya sa puso mo?"

Napatahimik ako. Kaya ko ba? Palitan siya? Nooo! Parang hindi eh. Yun ang sinisigaw ng puso ko.

"Halika na nga! Iiyak ka na naman diyan. Eh kakaiyak mo lang nung isang araw. Kung ikaw si Dianne sa Pure Love baka puno na yung necklace mo ng luha" tsaka hinila ako.

Naghiwalay na kami ng landas. May klase pa kasi siya while ako wala na. Wala rin naman akong gagawin dito sa campus. Kaya uuwi nalang ako sa condo. Boring rin naman sa mansyon dahil wala sina Mommy.

Ng makarating ako sa condo ay hindi pa ako nagbihis at nanuod nalang ng movie. One More Chance.

Wew! Relate na relate ako ah! Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ganda kasi ng movie eh. Yung lines-shet! Gusto kong sabihin yun kay Luke. Langiya!

"I love you, Popoy"

"I love you too, Basha. Let start again"

Natapos ang movie na ganyan ang ang ending. Hay. Buti pa sila happy ang ending. Eh ako? I'm not. Pero sabi nga nila NOT ALL STORIES ENDS WITH HAPPY ENDING. That's the reality.

Tinignan ko ang watch. 3:30 pm pa lang. Hmm? Anong magandang gawin? Mag mall? No. Swimming sa baba? No. Spa? No. Movie marathon? Nope too. Tumae? Hahaha! Joke!

Makaalis na nga lang.

---

Tumigil ako sa may park malapit sa condo ko. Eto yung gusto kong place, tahimik at peaceful. Malayo sa real world. Kaya nga Peace Park ang pinangalan dito eh. Madalas akong pumunta dito, depende sa mood ko. Tsaka, dito rin yung place kung saan kami nangd-date. Kilala niyo naman kung sino. Diba.

Umupo ako sa may bench. May mga tao rin. May mga lovers, family picnic, group study at mag-asawa. Hmm. Buti pa sila pumunta sila dito para magpakasaya. Eh ako? Para mabawasan ang lungkot.

Natigil ako sa pag-day dream dahil may bumagsak na paper plane sa lap ko. Kinuha ko ito.

"Sorry po, ate. Sorry po" nag bow pa yung small boy sa harap ko. I think 4 or 5 years old lang siya. Ang cute eh.

Binigay ko ang paper plane niya, "Nope. Its okay. But next time, be careful okay?" ngumiti siya at tumango. Wew, ang cute cute niya. Yung tipong gusto kong ipinch ng mahigpit ang cheeks niya.

"Whats your name, little boy?"

"Gino po"

"Wow. What a nice name. Osige, sinong kasama mo?" luminga-linga siya sa paligid. Then, nagbikit-balikat siya.

"Yung yaya ko po at yung besplen ko. Baka naglibot lang yun" Wow! Ang cute cute niya talaga. Besplen huh? Haha.

"Okay. Gino, hanapin mo na yung yaya mo. Baka hinahanap ka na nila."

"Sige po Ate. Thank you po ulit. Buh-bye" then he waved his hands on me while running. Aww. How adorable little kids are.

I remember on him, si Luke. Yeah. Matagal ko na siyang kilala.When I was still a kid, siguro mga seven or six years old ata ako nun. I found him sa park noon. I was playing my doll while walking, clumsy ako non kaya nadapa ako. Umiyak pa nga ako nun until he came. Inalo niya ako at dinala sa bench. Ginamot pa nga niya eh. At sabi niya, wala lang daw to sa bituka. Kaya I smiled on him.

Nakaramdam nga ako nun ng first love eh. Love-at-first sight ang tingin ko dun. Di niya pinakilala name niya. Umalis na rin siya after niya akong gamutin. Di pa nga matanggal sa isip ko, siya. Kinuwento ko pa nga sa yaya ko nun eh at sabi niya baka Puppy Love lang daw yun. Who thought na maiinlove ako at the age of six or seven? Kaya nga nung nag Grade One ako. I found him at the same school-- Alvarez University.

Pinagpapantasyahan ko pa nga siya nun. Siya yung crush at inspiration ko sa pagdating ng mga araw. Mula elementary, highscool at college. Hanggang sa napansin at niligawan niya ako. And the rest is history. Ayoko ng maalala.

Masakit pa rin sa akin. Ilang years ko na siyang minahal, kaya eto sobra rin akong nasaktan. Siguro nga ganyan ang takbo ng buhay ng tao pagdating sa love. Love is the most complicated thing in this world.

Habang naglalakad ako ay may natapakan ako na metal na something. Pinulot ko ito.

Napanganga ako sa nakita ko. Whoah. A necklace? Kumikintab-kintab pa. Tapos key pendant pa siya. Wow. Ang ganda naman. Pero mukhang familiar. Di ko alam kung saan ko nakita.

Kanino kaya to? There is something about this necklace eh. Parang.....akin to. Sus! Taas ng assumera effect ko.

Ganda pa naman. Siguro maswerte ang may-ari nito. Hmm.

Wala naman sigurong mawawala kung saakin muna to.

***

A/N: I know its gonna be boring =____= Magiging offline muna ako, baka dagsain o ibash niyo to dahil ang LAME niya. Pero lahat naman may reason right? There is a reason behind this chapter. Malalaman niyo sa next next next following chapters. You can skip this if you want, but you can lose all the stories. Reality :)

I know may malaking kinakaharap na problem ang KN ngayon. Lalo na po ang boyfriend ko, chusera! So, bilang bayad sa pagpapasaya at pagpapakilig sa atin, let's pray them. And let us spread. Hashtag Stay Strong Kn. #StayStrongKN. Let us spread, mga solid.

-xoxoDin

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon