Chapter 08

4.7K 102 4
                                    

CHAPTER 08- THE FIRST STEP

"All smiles hiddens a mysterious meanings"

________________________________________________

Nandito ako sa veranda kung saan makikita mo ang view. Nakatulala lang ako. Nakarecover naman ako kahit papaano. Pero nandito pa rin ang sakit eh.

Nakakainis lang ang love. Bat pa kasi inimbento yan? Edi sana di ako nasasaktan ng ganito. Edi sana masaya na ako. Edi sana hindi ako iiyak. Edi sana--

Ayan. Iiyak na naman ako. Hayy.

"Sigurado ka na ba?" nagulat ako ng may nagsalita. Napatingin ako sa likod at si Juls lang pala. Bumalik ulit ako ng tingin sa malayo at hinigpitan ang yakap ko sa mga tuhod ko.

"Hindi ko alam" sagot ko. I know, I still have doubts. Pero gusto ko na ehh.

"Di mo alam? Hay nako. Okay. Okay. Di kita aawayin ngayon. Pero alam mo, kailangan mo yan. And alam ko rin na, mahal mo pa siya pero tama na. He doesn't deserve your tears by the way"

Umupo siya sa harap ko. Tinignan ko lang siya at ngumiti.

"Plastic yan" sabi niya.

"IKR"

Tumahimik sandali. Pero ang katahimikan ang nagpapaiyak sa akin. Naalala ko na naman kasi eh.

"Juls.." basag ko sa katahimikan.

"Hmm?"

"Ano yung number 1 step?" tanong ko. I know I need this.

Ngumiti siya sa akin before magsalita, "Moving-on should start within yourself"

Huh? Ano daw? Within myself? Anong gagawin ko sa sarili ko?

"Anong ibig sabihin niyan?" tanong ko.

"Sayo. Magmula sa iyo" sabay tingin sa akin, "Kailangan mo ng change. Kasi yang itsura mo ngayon ang nagpapaalala ng sakit na dulot sayo." sabi niya sa akin.

Napaisip ako. Tama nga naman. Siguro nga.

"Ano pa inaantay mo? Sige na magbihis ka na" utos niya.

"Ano ba yan. Psh" bulong ko. At tumayo.

Nagbihis lang kami saglit at pumunta sa SM. Ewan ko ba anong trip ng babaeng to. Minsan may saltik sa ulo eh. Kaya ang hirap mag move-on baga.

Nagulat nalang ako ng biglang pumunta kami sa Davis Salon. Ano na naman ba to? Damsel in Distress lang na mag make-over para mainlove ang boy. Pero sa akin nga, baka baligtad lang.

Biglang may lumapit na bakla, "Hey. What can I do for the both of you?"

"Siya lang po" sabay turo sa akin, "Do whatever you want. Hmm, baka trim niyo nalang ng mga 3 inches then, pacolor ng hair ng mga hazel brown tapos may side bangs"

"Hoy. Ano na namang kagagahan to? Baka magmukha akong ewan nito ha"

Natawa siya, "Haha. Hindi no. Sige na. Ikaw na bahala kuya bakla ha. Bes, pupunta lang ako sa kung saan-saan. Bye" saka umalis.

Nag-start na ang mga ka eklabushan. Ilang minutes rin bago natapos. Gumaan ang pakiramdam ko dahil naputulan ang hair ko ng kaunti pero ang nararamdaman ko? Hindi eh. Wala pa ring pinagbago. Masakit pa rin.

"Oh? Ayan maganda ka na? Bravo talaga nung baklang yun" sabi ni Juls sa tabi ko. Nandito kami sa department store, dahil wala. Gusto daw niyang mag-enjoy. Ewan ko ba kung bakit may baliw akong kaibigan.

Kukunin na sana ni Juls ang damit na nagustuhan niya ng may kumuha nito.

"Hoy. Akin na nga yan?" agaw ni Juls sa-----LALAKE?! Wait.. lalaki ang kumuha nun? #LamNaThis

"Miss, ako nauna nito. Kaya pwede ba, bitawan mo na"

"Hoy lalake----este bakla. Di bagay to sayo. Ako ang babae kaya mas bagay to sa akin no?"

"Anong bakla?"

"Bakla? Psh. Diba gusto mo to? tapos ikaw susuot? Edi bakla ka!"

"Tss. Akin na nga!"

"Alam ko bakla ka pero parayain mo naman ang babae"

"Tss. Ako nauna nito kaya akin to!"

"Haynako! Edi sayo na yan. Saksak mo pa sa baga mo, sa balun-balunan mo at sa ngala-ngala mo. Bwiset! Lika na nga Ky" sabay hila sa akin.

Akalain mo yon? Nakipag-away ang bestfriend ko sa bakla? Bakla nga ba? Eh parang ang desente.

"Psst. Bakla ba yon? Eh ang barako eh. Parang di bakla" sabi ko kay Juls.

She rolled her eyes, "Whatever kung bakla siya. Kasi ang epal niya!" singhal niya sa akin.

Tumawa lang ako pero napatigil ako..

Nakakita ako ng white bear. Bringin back the old memories again.

*FLASHBACK*

Date namin ngayon ni Luke dahil Saturday. Nagmall lang kami dahil sawang-sawa na kami sa restau eh.

Napatigil ako dahil nakakita ako ng teddy bear. Wow. Ang cuteeee!

"Malamang tunaw na tunaw na yang teddy bear. Huy" sabi ng katabi ko. Napatawa nalang ako.

"Grabe naman.Ang cute lang kasi oh. Tignan mo." sabi ko sabay turo sa bear.

Umismid lang siya, "Tss. Mas cute pa ako diyan no. Childish" bulong niya.

"Hoy! Dinig ko yon. Cute kaya ng teddy bear pero mas cute ka at gwapo syempre. Osige halika na kahit gusto ko yang bilhin haha"

Habang naglalakad kami-- AKO?! Eh asan na yung katabi ko?

Pinuntahan ko sa last venue namin pero wala kaya habang naglalakad ako eh nakita ko siya sa cashier. May teddy bear na dala.

"Hoy! Diba sabi ko sayo wag mo nang bilhin yan. Uyy!" alog ko sa kanya pero di siya nakinig. Hanggang sa nabayaran niya na ang teddy bear.

"Oh ayan. Para sa maganda ko girlfriend kahit childish" sabay abot ng teddy bear.

Hinampas ko siya, "Leche ka talaga! Kahit ang labo mo"

"Eto naman oh" sabay hug sa akin

*END OF FLASHBACK*

Kusang tumulo luha ko. Sabi ko na ba eh.

"Kylie. Halika na" sabi ni Juls sa akin.

Umiling lang ako, "Ah..punta lang ako ng CR ha? Sige." sabay takbo sa CR.

Pagkadating ko doon eh. Humarap ako sa salamin. At umiyak.

AISH! NAKAKAPAGOD NA! AKALA KO TULUYAN NA AKONG MANHID PERO HINDI PALA EH!! NAKAKAINIS LANG ANG SARILI KO! AKALA KO MAKAKA MOVE-ON NA AKO! AKALA KO KAYA KO NA DIINAN ANG SAKIT! AKALA KO HINDI NA AKO IIYAK!

Kasi...puro ka lang akala Kylie! Akala mo lang ang lahat pero ang totoo, napapako na! Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong pataasin ang pride ko.

***

A/N: Comment Guys! Minsan lang po ako magpabor, kaya sige na. Para maganahan ako mag-update. Baka madalang nalang ang update.

BTW, dadaliin ko po ang update everyone. Kasi baka the next following weeks, eh di na ako makapag-update dahil malapit na rin second quearter exams namin kaya magiging busy pa aketch.

Any, violent reactions? Tweet me and follow me @dinice_leaine

-xoxoDin

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon