Chapter 6

6.4K 104 3
                                    

CHAPTER 06- Unwinded Doubts

__________________________________

KYLIE's POV

"Chandraa! Ano nga?" Kanina pa kasi to pinipilit ako na ano ba ang pinag-usapan namin ni Cheska.

Nagulat nga ako sa sinabi niya pero binawi niya agad ito nagpaumanhin. Umalis rin agad siya. Naabutan pa nga siya ni Julianna. Kaya eto nagpupumilit.

Nasa sasakyan kami ngayon. Malapit na rin kami.

"Ano? Mananahimik ka? Sigee na" sabi niya.

"Psh! Dakilang chismosa mo teh! pero seriously actually mabait siya and gracefull na tao!" sabi ko.

"Yun? Gaga ka ba? Mukha pa lang eksaherada na eh!" siniko ko siya.

"Ano ka ba? Don't judge the book by its cover ika nga." sabi ko.

"Tss. Wala yan sa bokabularyo ko." sabi niya. Haynako, kahit kelan talaga tung babaeng to. Pero di niyo alam mabait 'to siya. Gaga nga lang paminsan.

Nakarating na rin kami. Unang pumasok si Julianna dahil kinuha ko yung bag ko. Pero sa labas dinig ko na yung malakas na human megaphone.

"Mommmmyyyy! Mishuuuu!" pumasok na ako. Binatukan siya ni Tita Angel.

"Nak, kanina pa lang tayo nagkita. Nababaliw ka na?"

"Tss." pout na sabi ni Juls.

Ganyan yan sila mag-ina. Since Grade One pa lang ako kilala ko na pamilya nina Juls.Madalas rin kasi ako mag-overnight dito, di madalas, araw-araw!

Mama lang ni Juls ang nandito. Pero wala kayo, only child siya pero di spoiled. Ang papa niya ay German. Kaso, di sila kasal nina Tita Angel. Financially supported lang sila.

"Ay! Kylieee! Naku namiss kita." sabi ni Tita. Nagbeso kami.

"Hi rin po Tita. Namiss din kita."

"Buti pa siya namiss mo Mommy. Pero ako?" sabi ni Juls. Binatukan lang siya ni Tita bago pumunta sa kusina. Umupo lang kami ni Juls sa sofa.

"Eyy. Kamusta Korea? Maganda ba? Nakita mo ba si Lee Min Ho? Waaahh!" sabi niya. Aba. Adik to no.

"Oo. May picture nga kami eh. Haha. Pero dejoke lang. Taas naman ng pangarap ko diba?" nagpout lang siya.

Naging busy ulit siya sa cellphone niya pero kinukulit ako ng biglang magsalita si Tita Angel mula sa kusina.

"Kylie! Kamusta ka na?"

"Mom, umiiy---" siniko ko "Okay lang po ako Tita! Ganun pa rin po"

"Mabuti naman!" sigaw ni Tita pabalik.

Sinamaan ko lang ng tingin si Juls. Muntik pa ako mabuko eh.

"Kain na oh!" pumunta n kami ni Juls sa kusina.

Nakahain pa ng masarap na pagkain namin. Ang Kare-kare, paborito naming mag-bestfriend. Palagi kami nilulutuan ni Tita noon. Nakakamiss rin pala.

"Kylie, kamusta na si Mare?" tanong ni Tita

"Ah, okay lang po sila. Mas naging sweet pa nga po sila eh. Kaso di na ako nakakadalaw dahil super busy na po ako sa school, lam niyo na po graduating."

"So good to them."

Tinuon ko na sa tensyon ang pagkain.

"Kylie, namamaga mata mo? Umiyak ka ba? Iha?" OMYGOLLY! Napansin ni Tita? Shet langs! Umiyak kasi ako kagabi eh. Nakarelate ako sa movie na napanood ko, pareho sa life ko.

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon