Chapter 12

4.1K 86 4
                                    

CHAPTER 12- Love Fades Away..

___________________________________

Nandito pa ako sa campus. Sinusulat ko lahat ng mga homeworks ko. Magseseven na nga eh. Pero ako sanayan na yan. Iniligpit ko ang notebook at pen ko. At nangalumbaba at nag-isip.

Two weeks na since nung first day of sem. Wala namang nagbago. Mas naging close kami ni Rence. Pero eto lang.. almost of the time napapansin ko na yung mga moves ni Luke.

Ewan ko. Pero parang totoo na yung sinabi ni Rence sa akin noon na---mukha siyang nagseselos. At paminsan rin, nakikita ko siyang nakasunod sa akin. Bat ako iniintindi niya? Sabagay, yun din ginagawa niya sa akin dati.

Nalaman ko rin na nasa America si Cheska. Bakasyon daw. Pero sabi nila, babalik din daw yun. Kaya pala ganyan si Luke. Kasi wala si Cheska? At ako panlibangan niya? Aish.

Umiling nalang ako at lumabas ng room. Konti nalang ang mga tao sa campus. May klase pa naman hanggang 9. Ano ba yan. Nakakatakot tuloy.

Lumabas na ako. Wala pa namang taxing dumadaan. Ay tae, bat pa kasi ako nagpagabi. Dumaan ako kay Manong Guard.

"Manong, walang taxi dito?"

"Nako iha, bat ka nagpagabi? Tapos wala ka pang kotse. Alam mo naman na, strike ang taxi pag ganitong oras"

Tangek ko. Oo nga naman. No choice ako nito kundi maglakad hanggang kanto dahil maraming taxi doon.

"Ay sige salamat nalang po" tinanguan ako ng guard.

Naglakad na ako. Bat ang creepy? May sumusunod sa akin? Wag naman sana mamatay tao or rapist. Marami pa ako pangarap sa buhay. Lord, ingatan niyo po ako.

*poink*

Ano yun? Tae. Nga naman.

Hinigpitan ko ang yakap sa books ko. Baka maraming lasing na manggagahasa dito at ako napagtripan.

*poink*

Nakupo yan na. Tumigil ako at yumuko. Hinigpitan ko ang yakap sa books ko. Tahimik akong nagdasal. Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko. Eto na ata ang rapist o magnanakaw.

.

"Ayy! Walanghiya!"

Napatingin ako sa humawak sa akin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Shet. Di siya rapist or thief. Pero siya ang unang nagnakaw ng puso ko at dahilan upang masaktan ako. At ngayon nasa harapan ko siya.

"L-luke?"

[A/N: Paki-play ng song sa gilid, sa may youtube link pleasee --->]

"Anong ginagawa mo dito? Bat ka naglalakad ng mag-isa? Wala kang kotse? Baka mapano ka pa." concerned niyang sabi. Gusto kong kumilig pero hindi eh. Tama nga ako.

"A-ah, nagpagabi ako kasi....marami akong ginagawa. E-eh i-ikaw?" tanong ko.

Umiwas siya ng tingin, "A-ah. Nawalan ako ng gas. And I'm tired to call the driver."

"Eh bakit ka naglalakad? Baka mapano ka rin" I was so concerned for him. Ng nanahimik siya eh natahimik rin ako. Bad move, Ky!

Nagsimula na akong maglakad. Gusto ko ng makatakas.

"Kylie! Wait!" habol niya sa akin. I bit my lower lip. Not now, Luke!

"H-huh? B-bakit?"

"Sabay na tayo. Pareho na rin tayo mapapano kaya dapat sabay na tayo" sabi niya at sinabayan ako sa paglakad.

I felt butterflies around my tummies. Gosh! Para akong highschool student na sinabihan na may crush si crush sa akin. Pero.. EX ko siya. Para din kaming nagtaksil.

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon