Chapter 34

3.1K 52 0
                                    

A/N: If you haven't read yet the CHAPTER 33. Na-private ko po siya. I'm sorry talaga. Nagloloko na kasi ang wattpad at puro error na hindi ko alam. Kaya aayusin ko po siya, soon. Just wait. Eto muna basahin niyo, hindi naman siya naglalayo eh. Mababasa niyo naman 'to 'pag wala 'yung 33. :))

Dedications are open. Comment below!

_____________________

KYLIE's POV

What will be my life if I don't open my eyes?

Mawawala kaya ang sakit? Kahit puro blanko at madilim ang makikita mo, wala 'kang sakit na mararamdaman. Mawala lahat ng bigat ng damdamin.

That's what I feel right now. Mayroon palang mas sasakit sa ginawa ni Luke sa akin. Because my family is involved here. Ang mga taong nagiging sandigan ko ng lakas, ay siya palang magiging dulot ng sakit sa akin. Alam 'kong ang babaw 'kong tao dahil nagalit lang ako dahil sa isang rason. I should be happy kasi kami ang pinili ni Dad. Hindi ko nga alam kung paano nalampasan ni Mommy 'yun at tinanggap ang pagkakamali ni Dad. Pero iba ang pakiramdam ng ma-betrayed at ilihim sa'yo. Malalaman ko pa sa ibang tao.

I feel pity also for Cheska. Lumaki siya ng may malaking hinanakit sa mundo. Dahil tinalikuran siya ng mga taong sana magmamahal sa kanya at bubuo sa pagkatao niya.

Alam 'kong sobra akong nagsisi dahil sa ginawa ko kagabi. Pero siguro tama naman 'yun? All my life, hindi pa ako nagagalit sa kanila. This time only.

I wanted to cry. Pagpahingahin ko muna ang mga mata ko.

Bumangon na ako sa kama. Kahit sobrang bigat ng katawan ko ay pinilit ko. Kailangan 'kong pumasok. Naligo na ako at nagbihis. I suddenly looked at the mirror. Mugto mata ako at namumula pa mga pisngi ko. Mukha na ba akong problemadong tao?

Lumabas na ako. I didn't bother to eat. Nawalan ako ng gana. Pinaandar ko na ang kotse ko. Ilang minuto rin ay nakarating na ako sa A.U. Pinark ko na ito at agad dumiretso sa first class ko.

"Kylie, okay ka lang?" tanong ni Terrence sa'kin pagpasok ko. Umupo na ako sa tabi niya at sumandal.

"I'm okay."

Worried akong tinignan ni Terrence. "You sure?"

"Yeah" ngumiti ako ng peke at nilublob ang mukha ko sa arm chair.

I should pretend that I'm okay. Even it's not.

---

Buong araw 'kong tinuon ang sarili ko sa pag-aaral. Palagi rin akong tinatanong ni Julianna kung okay lang ba ako. Tango lang ng tango ako. Nahihiya na nga ako sa'kanya eh. Parang responsibilidad na niya ako. Ganyan siguro 'pag bestfriend. Buti pa siya.

Papunta ako ngayon sa next period ko. Actually my last one.

Papalakad pa lang sana ako nang makaramdam ako ng panghihina. Parang anytime, I'll collapsed. Napahawak ako sa sentido ko. Babagsak na ata ako.

"Kylie!" isang pamilyar na boses ang narinig ko bago ako matumba at nabalot ng dilim ang sistema ko.

Pero imbes na sa sahig ako nahulog ay isang malambot na kamay ang nakapalibot sa akin. Bago ako magdilim ang lahat.

---

Naalimpungatan ako sa mahinang pag-uusap sa tabi ko. Hindi ko muna ibinuka ang mga mata ko.

"She's fine, President" naramdaman ko ang paghaplos sa buhok ko. "According to the test, nawalan siya ng malay dahil nanghina ang katawan niya. Dala rin siguro ng pagod, depresyon at famine. Pero okay na siya."

"Thank you, Dra.Fuentabella"

"No worries, President. I'll go ahead"

Narinig ko ang marahang pagsara ng pinto bago ko minulat ang mga mata ko. Naalala ko palang nahimatay ako. Ni hindi ko ng alam na nandito ako sa hospital eh. Sino kaya ang nagdala sa'kin dito?

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon