Chapter 28

2.9K 52 6
                                    

KYLIE's POV

"Class dismissed"

Agad akong tumayo at naglakad ng mabilis. Takte. Ang awkward kaya, katabi ko si Luke. Gusto ko na kasi siyang iwasan hanggang kaya ko.

Maglalakad sana ako nang may humarang sa paa ko kaya muntik na akong mamudmod.

"Ay kabayo!" Damnit! Nahulog ako sa lap ni Luke.

"Sa susunod, mag-iingat ka" nanlaki mata ko kaya napatayo ako at nag-ayos ng sarili. Sheeet lang! Super awkward. Hindi na ako nag-atubili at hindi ko pinansin sinabi niya at lumabas na ng classroom.

Pumunta ako sa comfort room. Napatingin naman ako sa salamin at hinawakan ang dibdib ko.

What's happening on me? Bakit ganito? My heart is beating involuntary. Tapos namumula ako? Haynako. Baka sa kahihiyan. Naman oh! Iniiwasan ko na nga tapos mapapahiya rin pala ako. Dapat iniiwasan ko na talaga siya. Sayang minove-on ko kung ganun.

Napa-iling nalang ako at nag-wash ng hands.

"Back to your senses, Kylie"

Since, free cut ko ng dalawang oras pumunta ako sa may likod na part malapit sa field. Mas relaxing kasi dito. Puro puno lang makikita mo at simoy ng hangin. This one is my favorite part. Nandito rin yung special na puno para sa akin. Pero sa iba ako umupo.

[a/n: Yung puno thingy. If you remember that one, go on chapter 8]

Umupo ako sa may ilalim ng puno. Kakaunti lang ang mga estudyante plus tahimik pa. Nakaka-relax.

Kinuha ko yung phone ko at nag-check ng messages. Puro GM lang naman.

~'Wag 'kang matakot

Nandito lang naman ako

sa tabi mo~

Ang ganda ng boses. Sino kaya 'yun? Parang pamilyar yung boses na yun!

"Yow Kylie!" napatingala ako and there I saw Sed, Lester, at Katsumi. Sila pala yung kumakanta a while ago.

Umupo sila sa tabi ko. May hawak na gitara pa si Kats. Tumingin ako sa paligid. Kung sakaling may bakas si Luke dito. Syempre, iniiwasan ko nga eh. Baka ma-doble pa yung kahihiyan ko sa kanya.

"Don't worry, wala si Jay."

Huminga ako ng malalim at sumandal sa puno. "Teka, iniiwasan mo ba si Jay?"

Napatingin ako kay Seth. "Siguro." I shrugged my shoulders.

"WAHAHAHA!" napatawa silang tatlo. Teka, lang ha? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Mukha na ba akong comedian?

"Ba't kayo natatawa?" I asked them.

"Ikaw kasi eh. Kung magsisinungaling ka na nga lang, 'wag 'kang magpahalata." sabi ni Lester.

"Hindi naman ako nagsisinungaling ah!" dipensa ko. Natawa tuloy sila.

"Total sobra ka naming na-miss, Kylie. Iho-hot seat ka namin"

Tatayo sana ako ng harangan nila ako. Mga letseng 'to. "De joke lang. Dahil naawa kami sa'yo. Mago-open forum nalang tayo." sabi ni Kats.

"Bakit mo ba iniiwasan si Jay?" tanong ni Sed.

"Marami na kasi akong problema sa buhay at ayokong dumagdag pa sya 'dun."

"Hindi naman siya problema ah. Diba kasiyahan mo sya?" maloko pero seryosong tanong ni Lester.

"So? Ano 'bang sinasabi niyo? Na hindi pa ako naka move-on? Matagal na kaming hiwalay ni Luke. At matagal na rin akong nakamove-on sa kanya" mahinahong sabi ko.

"'Yan ba ang sinasabi ng puso mo? Baka siya pa rin ang laman niyan--ng puso mo"

"Ehhh! Ano ba! Nakakairita kayo! Ano 'to Aquino and Abunda tonight?" singhal ko. Natawa sila.

"Hindi mo masagot ang mga tanong namin kasi naguguluhan ka. Kasi iba ang sinasabi ng puso at isip mo. Na mas pinapairal mo kung ano ang tingin mo mas nakakabuti sa'yo"

I was speechles. Ang malokong mga 'to magsasabi ng ganito? At tagos pa sa akin?

---

CHESKA's POV

"So, you're going?" I asked Luke. Nandito na kami sa tapat ng bahay ko but still we're here sa kotse pa.

"Julianna is still my friend. It's her birthday, saka ininvite niya ako. Ano 'bang kinaiinis mo? Natatakot ka ba na makita ko 'don si Kylie? Turn around, Ches. 'Wag 'mong pakitidin utak mo"

All what he said, labas pasok lang sa tenga ko. I don't care about all his sermons. Nakakainis lang eh. Although hindi ako inimbita ni Julianna on her birthday pero si Luke inimbita? Its gonna be unfair! Makikita niya yung bitch na 'yun? Hindi ako papayag.

"Done? I'll go ahead. Kung pupunta ka, pupunta rin ako" I said then I bangged the door of his car. I don't care if his against abou this. I don't care kung hindi ako ininvite as long as mabalik ko lang sa reyalidad yung bitch na yun!

Pumasok na ako sa bahay. Looks like ang tahimik ng bahay. I went upstairs. Papasok pa lang sana ako ng kwarto nang makarinig ako ng bangayan.

"XANDER! HINDI MO KAILANGANG PILITIN SI CHESKA!"

Napintag ang tenga ko 'dun. I went through them. Nagtago ako malapit sa wall. I really looked like a eavesdropper but I really don't care.

"Cheena! Its for our daughter's own good. Kung hindi siya magpapa-opera ano? She can die because of that disease! I don't want to happen that! Kaya please Cheena, cooperate with me"

Narinig 'kong napahagulgol si Mommy. Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. That's my weakness after all.

"Xander, natatakot ako. Kung natatakot si Cheska, mas natatakot ako. That's my daughter. I hate myself if something happened to her"

"Mas makakasama sa kanya kung hindi siya magpapa-opera. Cheena don't be so stubborn!" sigaw ni Daddy.

Humagulgol pa rin si Mommy. "That's our daughter, Xander.."

"She's not our real daughter! Malalagot tayo kay Nathan 'kong merong masamang nangyari sa anak niya! And I promise to him and Alyssa."

"I know. Alyssa is now dead. Si Nathan? Tila wala na ngang pakialam 'yon kay Cheska eh! Tayo na ang nakalakihang magulang ni Cheska! We adopt her not because Alyssa is my bestfriend and Nathan is your bestfriend, just because we love her"

"May pamilya na si Nathan. Pero alam 'kong mahal niya ang anak niya. I really hate myself dahil hindi ko nagawang iligtas si Alyssa. At naging bunga ng kasalanan si Cheska."

"Xander, Cheska is not a mistake. She's our daughter not by blood, but by heart and love"

'Di ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko. What's this truth? Ang lihim na matagal na nilang tinatago? Tama ba? Meron pa palang mas sasakit dito. I'm adopted and I'm the fruit of a perfect mistake. Masakit ang nalaman ko ngayon. Napahagul-gol ako.

Tumakbo agad ako sa kwarto ko at nagkulong. Napa-sandal ako sa pinto. I hugged my legs tightly.

I'm wasted now.

***

A/N: Tweet me. Hashtag #MOWickedTruth. Mali yung #MOTrueColors. Mali po.

BTW, I made a official fan page of my account. @ThChcWrtr_WP. Don't tweet me on my personal use account, hindi po ako active masyado don. Mas active po ako dito. Share your thoughts, announcements and scheds nasa tweet acct po dyan. DM me for questions. I'll answer right away. Kung hindi po makita sa twitter, simply click the external link beside --->

Tenkyooow!

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon