Chapter 25

3.1K 54 1
                                    

Dedicated to Babaozi. My bestfriend, partner in crime, sisters in heart and everything. This one is for you (almost this story) Ahaha. If you know what I mean *ehem*. Haha. Just kidding!

Paki-basa ulit ng Le Footnote..

______________________

KYLIE's POV

Kasalukuyan akong nakadapa sa kama at nagf-facebook. Wala naman kasi akong magawa eh tapos sinipon pa ako. Buti nalang hindi ako nilagnat.

Kaya minabuti kong mag-stay nalang sa kwarto at mag mukmok. Ang bitter kasi nila Kuya eh, iniinggit ako. Kasi palagi silang magkasama nung fiancè niya.

Pipindutin ko sana yung notif ko nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko yung phone ko sa tabi.. Tinignan ko ang caller. International number siya. Sino naman 'to?

"Hello?"

["Kylie? Oh sorry, kung inistorbo kita. I just want to ask a favor for you"] Si Tita Vien pala.

"Ah Tita Vi? Uhm, ano po yun?"

["We're here sa Macau with Lauree. Pwede mo bang puntahan si Luke now? Nung iniwan kasi namin siya eh masama daw pakiramdam. Nung tumawag ako sa bahay, sabi nung Madrona ay may lagnat daw. Ewan ko ba sa batang 'yun"]

Naku! Kasalanan ko 'to. Kaya tanggapin mo.

"Po? Ah, sige po. I'll go there"

["Thank you, Kylie. I'll call you later. Ikaw muna bahala ha?"]

"Okay po."

["I'll hang-up this. I'll call you later. Bye"]

Hinang-up na ni Tita. Agad akong napabangon at dumiretso sa closet. Kailangan ko siyang icheck. Kasalanan ko eh. Teka, kasalanan ko ba kung siya nagpumilit? Kasalanan ko ba kung nabasa kami? Ay, jusko! Naman! Inuna mo kalandian mo!

Ay, bakit ko kalaban sarili ko?

Saka, ichecheck mo lang naman sunod uuwi ka na. Period. Tapos

---

Huminga ako ng malalim. Kakababa ko lang galing taxi. I'm nervous of what will happen. There's something wrong. I don't know. Baka paranoid lang ako.

Kinakabahan talaga ako. Pinindot ko yung doorbell. Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng satchel na bag ko. Naka blue pullover at shorts lang ako. Saka, dito lang naman.

Lumabas yung katulong. Kilala naman nila ako dito. "Oh? Kylie! Ikaw pala. Napadalaw?"

Magsasalita sana ako nang lumabas yung Madrona nila. "Tessa! Papasukin mo si Kylie. Utos ni Ma'am "

Pinapasok ako ng katulong. Nasa sala na kami. Kinakabahan talaga ako. Haynaku. Take that thoughts away!

"Kylie, akyatin mo na si Sir Luke sa kwarto niya" sabi ng Madrona. Ngumiti lang ako at dahan-dahang umakyat. Nakakita ako ng blue na kwarto. Alam kong kanya 'to. Kaya pinihit ko ang doorknob.

Papasok ba ako? Di ba parang ang unsual lang? EX tapos papasok ng kwarto mo?

Pumasok na ako. This is it! Madilim ang kwarto at malamig. Hindi siguro binuksan ang mga bintana tapos napakalakas din ng aircon. Pumunta ako sa may switch at inopen ang ilaw. Nang maliwanang na ay napatingin ako sa direksyon ng kama. Nakatabon siya ng kumot tapos magulo.

Nanginginig akong lumapit sa kanya at ibinaba ang kumot hanggang leeg.

Ang inosente niya. Magulo pa ang buhok at halatang namumula. Sinapo ko ang noo niya. Ang init! Mataas siguro lagnat nito. Sabi ko na ba eh. Mahina immune system nito.

Moving On (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon