145. White Magic

108 3 0
                                    

Gulat na gulat lang si Karen. "Naalala ko na kapag nalampasan ang Mayhem, magiging malakas ito tulad ng sinasabi mong Ultra Mayhem. Lahat ng magic niya ay lalakas din. Ayon sa nabasa ko, hindi na matatanggal ang Ultra Onslaught dipende sa kasunduan na ibinigay niya."

Natakot si Ursula at napapikit. "Wala na talagang pag-asa?"

"Sa ngayon wala pa. Pero hindi pa naman lahat nabasa ko na."

"Ano ngayon ang mangyayari?"

"Wala akong ideya. Kung ako sa inyo, umatras na kayo. Ano ba ang balita diyan sa Warzone?"

"Tungkol kay Adonis lang ang alam ko. Sinakop niya ang ilang lugar doon. Tahimik ngayon."

"Ibig sabihin, may tyansa na hindi lang si Greg ang nalagyan niya ng sumpa."

"Ta-tama ka." Napaisip si Ursula. "Babalik agad ako sa Warzone. Kailangang malaman ko kung ano pa ang ibang nangyari."

"Balitaan mo ako."

"Ngayong mukhang totoo na ang lahat ng kinatatakutan ko, katapusan na ng mundo."

-

Agad bumalik si Ursula sa Warzone. "Ayan na. May karga na ang Rocket. Nakausap ko na si Karen." Sabi niya kay Dionne.

"Anong sabi sa'yo?" Tanong agad nito.

"Sandali lang. Kakausapin ko saglit si Jermain."

Naiwan si Dionne sa labas. Ilang sandali pa ay may dalang libro si Ursula at ibinigay kay Dionne. Makapal ito. "Kailangan mong malaman ang ilang bagay bago mo labanan si Adonis."

Binuklat ni Dionne ang makapal na libro. "Ano ito?"

"Basahin mo. May mga nakalagay diyan na magsasabi kung ano ang kinalalabasan sa gagawin mo."

"Nabasa mo na ito?"

"Hindi pa. Tungkol lang sa Wind at Spirit ang binasa ko diyan at ilang Water Techniques. Tinignan ko ngayon lang ang Magic. Totoo ang sinasabi ni Karen. Basahin mo?"

"A-ano ba ang sabi ni Karen?"

"Aalis muna ako. Hintayin mo ako. Basahin mo muna 'yan."

Ilang oras ang lumipas. Si Dionne ay nagkulong sa kwarto. Seryoso siya sa pagbabasa ng libro.

-

"Sige, kaya mo 'yan!" Sabi ni Demetri habang nakatingin sa ginagawa ni Luna.

"Holy Punch!!" Sabi ni Luna at sinuntok ang malaking bato. Nabasag ito sa gitna. Hingal na hingal siya pagkatapos.

"Ano ang pakiramdam?" Tanong ni Demetri.

"Nararamdaman ko ang espiritu."

"Tama ka diyan. Si Dionne ay pinalakas ng Sacred. Mahinang klase ang Holy kung ikukumpara sa Sacred pero oras na matutunan mo ang Holy ay kaya mong lumaban kahit wala kayo sa tubig. Magaling ka dahil mabilis mo itong natutunan."

"Naalala ko si Eagle." Napaisip si Luna. "Tubig ang kakayahan nito. Kaya hindi siya makalaban maigi."

"Isa kasi siyang Marine. Likas na sa kanila ang may kakayahan na nagmula sa tubig."

"Gusto ko pang malaman ang ilang technique sa Holy."

"Sige, ituturo ko sa'yo ang ilan pa. Pero mahina ito. Kailangan mo lang palakasin."

"Opo, Haring Demetri. Maraming salamat."

-

"Ano ang balita?" Tanong ni Adonis sa dumating.

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon