169. Ang Pag-tila

41 2 0
                                    

Tumahimik sandali ang paligid. Nakatago ang iba sa mga nakaabang na sundalo. Kalat parin ang mga tao sa paligid. "Sabay sabay tayong susugod." Sabi ni Andrei. "Kailangan natin silang lituhin at kapag sabay sabay tayong sumugod, unahin natin ang dalawang higante na iyon." Tinukoy niya ang dalawang matangkad na sundalo.

Sumagot si Tina. "Bukas na bukas ang dipensa pag sumugod tayo. May matatamaan sa'tin."

"Wala nang ibang paraan. Diskarte na lang kung paano iiwasan ang bala. Kahit dalawa man satin makapasok sa loob at makaakyat. Para masigurong matatapos ang buhay ng Rajah."

"Nasa harapan na tayo ng palasyo." sagot ni Kelvin. "Paano tayo makakapasok kung iisa lang ang daanan?! Kailangan natin silang pabagsakin lahat o kahit lusutan na lang. Napakahirap."

"Kelvin, wala nang ibang paraan. Ayokong maghintay na lang dito!" Sabi naman ni Andrei. "Kailangan nating kumilos o isakripisyo ang buhay para sa tagumpay."

"Masyadong pilit." Sabi naman ni Jethro. "Oo wala nang paraan pero galawang desperado ang gagawin natin."

Kumunot ang noo ni Andrei at tumingin sa paligid. Nag isip pa ng ibang paraan.

-

Pinapa-ikot ni Luna ang malaking krus hanggang sa handa na niya itong ihagis kay Wanjinhi. Takot na takot si Wanjinhi kaya pinilit nitong tumayo. Nakita niya ang pinto pababa kaya plano niyang tumakbo papunta doon nang biglang nagmadali si Luna na ihampas na ang krus pabulusok. Napalingon siya at takot na takot sa nakita. "TAPOS KA NA!!" sumalpok ang krus sa pader kasama si Wanjinhi. Tumagos ito kaya makikita mo ang nagkalat na bato. Walang tao sa kabila ng pader. Nakahiga si Wanjinhi at nakapatong sa kaniya ang malaking krus. Nakatali parin kay Luna ang kadena. Nakadapa siya at tinignan ang nangyari. Gumalaw ang krus. Nainis si Luna dahil naisip niyang hindi niya mapuruhan ang Rajah. Bumangon ito at tumingin sa kaniya.

"Akala mo matatapos mo ako!!" Agad hinila ni Luna ang krus pero tinapakan ito ni Wanjinhi. "Malalagot ka!"

Babangon pa lang si Luna ay sipa na agad ang sumalubong sa kaniya. Sinalag niya ito ng kaliwang kamay. Nawala sila sa ulan at napunta sila sa palapag na walang tao dahil doon napunta ang krus. Ayaw gumana ng espiritu ng tubig dito. "Ano, magagawa mo bang buhatin pa ang krus na ito?!" Tanong ng Rajah at nakatapak sa krus. Isang sipa na naman ang pinakawalan niya sa kabila kaya tinamaan na si Luna. Sisipain niya uli pero umiwas na si Luna at pinilit tumayo. Napa-tawa ang Rajah. "Wala ka na palang lakas."

"Swerte ka lang." Sagot ni Luna.

"Hindi na pala kita kailangang katakutan. Naisip kong binuhos mo na ang lakas mo."

Pilit hinihila ni Luna ang kadena pero hindi niya magawa. Gusto niya itong hilahin hanggang sa walang bubong upang mabasa ito ng ulan para mabuhay ang elemento ng tubig.

-

"Isa isa tayong lalabas, ako na ang mauuna." Sabi ni Kelvin kay Aroon. Tumahimik ang paligid at tumigil ang putukan. "Kailangan nating sumalakay dahil kung maghihintay tayo ay matatapos ang laban na tayo ang talo dahil hindi natin sila nagawang pabagsakin. At isa pa, marami nang namatay."

"Sige, ako na ang bahala."

Limapit si Aroon sa mga kasama niya. Lumapit naman si Kelvin kay Andrei. "Ayos na. Ako na ang unang aatake. Kapag may nagpaputok, saka sila aatake." sabi ni Kelvin kay Andrei.

"Sige, susugod na din kami. Mag-ingat ka." Sagot ni Andrei. "Wala na tayong oras. Ora mismo, gawin na natin."

Agad tumakbo si Kelvin sa gitna ng ulan kaya pinaputukan siya agad. Nakita ito ng grupo ni Aroon kaya nagsitakbuhan na ang lahat pasugod. Habang tumatakbo at nagpapaputok ang mga taong bayan ay sinabayan ito ni Andrei at Jethro. Ganun din si Jessica at Tina.

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon