Nagpatuloy sa pag-tatanong si Dionne sa batang si Sariah. "Ano ang sabi sa'yo ng ina mo bukod sa ayaw niya kayong maging alipin na katulad niya?"
"Ang sabi niya, alagaan ko daw ang kapatid ko at kung sino ang aampon sa amin ay pagsisilbihan namin. Mas gusto niyang sa ibang lahi kami mag silbi dahil hindi daw katulad ng ibang bansa ang pagturing sa bansa namin sa mga alipin. Noong una, ayokong mahiwalay sa kaniya dahil naaawa ako sa kapatid ko. Iyak ng iyak si Yona at hanggang ngayon hinahanap niya ang ina namin." tumulo na ang luha ni Sariah kaya niyakap siya ni Dionne. Tumingin si Dionne kay Yona. Nakita niyang kumakain ito at madungis.
"Paano nalaman ng ina mo na hindi katulad ng ibang bansa ang bansa niyo?" tanong uli ni Dionne.
"Matagal na nilang alam dahil minsan namin na nakakausap ang mga taga-labas na nakasakay sa barko. Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang ina ko na itakas kami."
"Anak, mag-iingat ka."
"Mama, ayoko pong umalis, baka lalo akong mapahamak sa ibang bansa."
"Hindi pwede anak, napakaganda mo, hindi mo alam ang mangyayari sa iyo kapag nagdalaga ka. Aanakan ka nila at ang magiging anak mo ay magiging alipin din."
"Ibig sabihin, inaanakan ang mga babaing alipin?" tanong uli ni Dionne.
"Opo."
Napatingin si Dionne kay Steven. Umiling lang si Steven. Nagtanong uli si Dionne. "Ano ba ang trabaho ng ina mo?"
"Pinagsisilbihan niya ang isang malaking bahay. Lagi siyang sinisigawan at binubuhusan ng tubig.." nainis si Dionne sa kwento ni Sariah. "Hindi ko alam kung sino ang ama ko pero sabi sa'kin, inanakan lang daw siya ng isang Kyranian. At hindi lang daw isang lalaki ang nag anak sa kaniya. Lagi 'yang sinasabi sa'kin nung anak ng pinaglingkuran niya dahil doon kami nakatira malapit lang."
Naging seryoso si Dionne. "Tama lang ang desisyon ng ina mo. Ngayon din ay iaalis kita sa hirap. Magtiwala ka Sariah, ako ang bahala sa'yo. Pupuntahan ko ang ina mo saan man lupalop dito sa mundo at itatakas ko siya doon."
Lumuha si Sariah. "Gusto ko na pong makita si mama ko. Lagi ko siyang naaalala."
Nang oras din na iyon ay kinuha ni Dionne ang dalawang bata at dumiretso sa mansyon kung saan tumitigil si Steven matapos nila itong bihisan. Nakita nila si Warhington. "Kamusta ka na?" tanong nito kay Dionne. "Ang dami kong nabalitaan sa'yo?"
"Ayos lang ako." sagot ni Dionne at napatingin si Warhington sa dalawang bata.
"Sino sila?"
"Alam mo ba ang bansang Kyra?" agad na tanong ni Dionne at hindi naitago ni Warhington ang reaksyon niya sa narinig.
"Ba-bakit mo naitanong?" medyo nagtaka pa ito.
"Ang dalawang batang ito ay galing sa bansang Kyra. Pinadala sila ng kanilang ina dito upang matakasan ang pagiging alipin."
"Alipin?"
"Sana sabihin mo sa'kin kung may alam ka."
"Kung may alam ako, bakit mo naitanong?"
"Dahil kukunin ko ang ina nitong dalawa."
Muling nagtaka si Warhington. Sumenyas si Warhington sa mga kasama niya. "Parker, mukhang mahaba ang magiging usapan natin. Gusto mo bang sagutin ko ang tanong mo?"
Huminga ng malalim si Dionne. "Sige basta ipangako mong may alam ka tungkol sa Kyra."
Ngumiti si Warhington. "Ngayon mukhang rerespetuhin na kita. Noong una kasi ay mayabang ang tingin ko sa'yo. Nalaman kong niligtas mo ang Green Island kaya alam kong hindi ka kalaban. Alam ko naman na alam mo kung ano ako dito sa bansang ito."