141. Ang Pagkatalo

128 18 1
                                    

Pagtapos ng ginawang atake ni Dionne ay agad siyang dumistansya. Nakatingin lang si Ursula. "Dionne, samantalahin mo na!" Sabi niya. "May epekto bawat atake mo. Manghihina ka kapag dumikit ka. Kaya tapusin mo na agad para hindi ka maubusan ng lakas!"

Nagtaka si Dionne. "Ganun ba?" Napatingin siya kay Ursula. Nasa likod ni Ursula si Alyana. Seryoso ito kasama ang ibang sundalo na nakangiti.

Bumangon si Adonis. "Walang epekto sa'kin ang atake mo." Sabi nito at tumingin kay Ursula. "Kahit sumama ka pa, wala kayong laban. Ibang lebel ang ginamit kong lakas."

Hinanda ni Dionne ang sarili niya. "Sa tingin mo uurong ako o tatakas?"

"Uurong oo. Pero makakatakas hindi." Ngumiti si Adonis na tila walang naganap. Pinagpag niya ang sarili niya.

"Pwes, tatapusin na kita!" Lumakas ang hangin kasama ang mga munting ipo ipo. "Super.." Mabilis na nawala si Dionne.

Alisto si Adonis at hinanda ang baston. "Ultra Mayhem!" Sumulpot si Dionne sa harapan niya. "Poison Ivy!"

Biglang umiwas si Dionne at lumayo. "Muntik na." Komento ni Ursula.

"Mabilis ka nga." Sabi ni Adonis.

"Hindi mo ako maiisahan. Akala mo ba, puro atake lang ang nasa-isip ko? Mahina ka mag-isip." Sabi ni Dionne.

"Mamaya mo makikita ang resulta."

Nawala uli si Dionne. Sumulpot ito sa likuran ni Adonis. "Void!" Pero nawala uli si Dionne kaya nagulat si Adonis.

"Yan ang sinasabi ko sa'yo!" Lumitaw si Dionne sa harap mismo. Wala nang iwas si Adonis. "Super Rapid Punch!" Pinaulanan niya ito ng suntok. Sapul kada suntok hanggang mabitawan nito ang baston. Nag-alala naman ang mga sundalo. Kaya lumusob ang isa.

"Unbreakable!" Sabi nito. Sabay inatake si Dionne.

Umiwas si Dionne at napabitaw kay Adonis. Naputol ang pag-atake nito. Tumalsik si Adonis kaya dumistansya ito. Tumayo ang sundalo sa harap ni Dionne habang nakatingin kay Adonis.

"Hindi mo siya magagapi." Sabi nito.

"Umalis ka sa harapan ko."

"Kalaban mo rin kami o ako. Nalilimutan mo bang nasa teritoryo ka namin?"

"Jack!" Dinig nila na may nagsalita. Tumingin sila kay Adonis habang bumabangon ito. "Kaya ko na ito. Hindi naman siya kasing lakas ni Greg."

"Pero Master, nag-alala lang ako."

"Minamaliit mo ba ako?"

"Master, siya si Dionne Parker ang tumalo kay Vince."

"Si Vince ay napag-iwanan na. Matanda na siya samantalang ako ay mas bata. Kalma lang, Jack." Lumakad si Adonis sa tabi ni Jack. Hinawakan ang balikat nito. "Salamat dahil hindi ka pala takot sa kaniya. Pero huwag na kayong maki-alam. Kaya ko na ito. Konting oras pa."

"Sige, Master."

Umalis si Jack at nanood na lang sa tabi. Nagkatinginan uli sila ni Dionne. "Inaasahan ko na pagtutulungan niyo ako. Bakit pinigilan mo siya?"

"Tatalunin kita. Wala ka nang magagawa pa. Ako lang lalaban sa'yo. Hindi na nila kailangan pang tumulong."

Tumingin si Dionne kay Ursula. "Kahit yata iwan ko si Ursula at tumakas na, hindi mo ako patatakasin, tama ba?"

"Tama ka dahil ngayon pa lang, nahuli na kita."

"Pwes, wala akong paki." Agad sumugod si Dionne. Biglang nawala si Adonis.

"Arcane Magic!"

Hindi makagalaw si Dionne sa sandaling segundo. Agad siyang humarap kung nasaan si Adonis. Nagtaka siya. "Dionne, huwag mo siyang sundan." Utos ni Ursula.

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon