129. Hindi Pagkaka-unawaan

125 26 4
                                    

Nagpatuloy ang nagaganap na pagtitipon. "Excuse me, guys." Sabi ni Dionne sa mga kasama. "Magpupunta lang ako Cr. Luna samahan mo ako."

Tumayo sila pareho. Napansin ni Dionne si Ursula na nakatingin sa kaniya. Ngumiti ito. "Mukhang kaya mo pa naman." Sabi nito. Hinawakan ang kamay niya habang nakatayo siya't nakaupo ito. "Bukas na tayo mag-usap usap. Mahihirapan tayong magkaintindihan ngayon. Bilisan mo, may mensahe si Master sa lahat." Tumango lang si Dionne at lumakad na sila ni Luna.

Habang naglalakad sila ay may maririnig kang tugtog na hindi gaano kalakasan pero sapat na para maginhawaan at maramdaman ng lahat na nasa isang masaya at engrandeng pagtitipon sila.

"Mabait naman pala si Ursula." Sabi ni Luna.

"Oo. Ngayon lang ako nakakita ng ganung klasing tao. Masyadong matapang pero medyo malambot sa ibang bagay. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siya. At isa pa, may masama siyang intensyon sa bagay na hindi niya gusto kahit mabuti pa siyang tao."

"Teka muna, hindi ba sarili mo ang tinutukoy mo?"

"Magkaiba kami. Dahil hindi ako basta basta pumapatay. Hindi ako pumapatay dahil sa pera. Maraming nagsasabi suplada ako sa hindi ko kilala. Pero si Ursula, magiliw siya sa tao."

"Sabagay, kaya nga siya nakilala ni Tina at Jethro. Dahil siguro magiliw siya sa ibang tao basta alam niyang pagkakatiwalaan."

"Teka, hindi natin naitatanong kung paano nila nakilala si Ursula?"

"Saka na."

Pumasok sila sa Cr. Maya maya lang habang pinagpapatuloy nila ang pag-uusap ay nakita nila si Steven na naghihintay. "Steven?" Lumapit sila. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Luna.

"Wala naman. Saglit ko lang sana na kakausapin si Dionne."

"Sige na, Luna. Mauna ka na." Sabi ni Dionne. Umalis na si Luna.

"Sumunod ka na lang." Sabi lang nito at binaling ni Dionne ang tingin niyan kay Steven.

"Bakit?"

"Hindi ko alam kung makakapag-usap pa tayo pagtapos nito kaya sasamantalahin ko na."

"Ano bang sasabihin mo? Marami pa namang oras mamaya o bukas."

"Gusto ko lang sabihin na nasa pangangalaga ako ni James Warhington. Nasa Mexico kami ngayon para doon magtigil. Nagsasanay para maghanda. Nakakalungkot lang dahil magkalayo tayo."

"Hindi naman kita pinapaalis sa Green Island."

"Alam ko. Pero mukhang magkakaproblema doon."

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin."

Lumapit si Steven. "Dionne, mahal kita." Nabigla si Dionne na hindi alam ang isasagot. Hindi niya magawang umatras nang lumapit ito. "Gusto kong dalawin mo ako doon paminsan minsan. Pero kung ayaw mo akong makita, wala naman akong magagawa. Gusto kong magkaroon ng komunikasyon sa'yo kahit sa anong paraan."

"Mahirap 'yang sinasabi mo." Umiwas siya ng tingin.

"Alam ko. Pero ito na lang ang tanging pag-asa. Masyadong komplikado doon. Alam kong may gusto sa'yo ang Prinsipe kaya hindi ako pwedeng mamalagi pa doon kasama ka."

"Hindi mo pa naman kilala si Kaled kung ano siya o sino siya talaga."

"Hindi na kailangan. Ano ba ang masasabi mo sa alok ko?"

"Wala."

"Anong wala."

"Steven, marami akong planong gawin. Hindi ko maaasikaso ang gusto mo. Isa pa, ano ang idadahilan ko kapag nagpunta ako doon? Para kausapin ka?"

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon