154. Isang Pagkakamali

59 1 0
                                    

Lumilipad ang isang helicopter sakay si Ursula, Nicholas at Sahara pauwi sa Ajentin. Sa kaharian ni Matt Jones. Nakayuko lang si Ursula dahil sa nangyari. "Ursula, hayaan mo na siya. Ililigtas natin siya pangako 'yan." Sabi ni Sahara.

"Bakit niyo ako pinaki-alaman sa gusto ko?" Sabi ni Ursula na tila naiinis kahit mahinahon ang boses. "Nasa panganib siya ngayon."

"Kapag swerte tayo, makakauwi siya nang ligtas." Sabi naman ni Nicholas.

"Kayo na ang nagsabi na dadating ang mga Heneral." Tumingin si Ursula kay Nicholas. "Sana man lang hinayaan niyo akong hanapin siya."

"Nakausap na ni Master si General Shin. Siya na ang bahala sa niyo."

"Wala akong tiwala sa taong 'yun. Kriminal ang turing niya sa'tin."

"Magtiwala ka lang." Sabi ni Sahara. "Siguro galit siya sa iyo dahil sa nakaraan niyo. Masakit sa kaniyang naging kriminal ka. Pero kailan man tandaan mo, hindi ka niya kayang ipahamak."

"Baka nasasabi niyo lang 'yan. Pero ibang iba siya sa tuwing nagkikita kami. Parang wala kaming nakaraan kung magsalita siya. At kaya niyo ako sinundan dahil naniguro kayo. Oras na may mangyari kay Dionne, hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Hindi na umimik ang dalawa pero nagkatinginan sila. "Tapos na ang kay Keith, at ang si Shino ay malabo pa. Kapag dumagdag pa itong kay Dionne, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Si Master Greg ang magpapasya kay Shino. Nasa mabuting lagay si Shino, si General Shin na ang nagsabi. Nagpunta kami dito para masiguro ang kaligtasan mo dahil iba si Rece at Mc Neil. Baka sila ang makaharap mo hindi si General Shin."

"Kapag natulad si Dionne kay Master Greg at nahuli siya, baliwala na ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Gagawa tayo ng paraan diyan."

"Hindi ko alam ang magagawa ko ngayon." Sabi ni Ursula at yumuko.

-

"Napakaswerte mo!" Sabi ni Azenith nang malaman niyang sumablay ang suntok niya kaya sinakal na lang niya si Dionne. Hinawakan ni Dionne ang kamay niya. "Tatapusin na kita." Inangat niya si Dionne at binitawan sa pagkakasakal sabay sinipa pataas. Tumalon siya para sundan ito pero nakaamba si Dionne ng suntok.

"Super Mode!"

Papalapit na siya at hindi niya maawat ang paglapit niya kay Dionne dahil tumalon siya nang mataas. "Hindi mo ako matatamaan!" Sabi lang niya habang nakatingin kay Dionne na naka-amba ng suntok.

"Akushitsu!"

"Metallic.." Plano niyang unahan si Dionne na sumuntok. "Punch!" Sinangga ni Dionne ang suntok niya gamit ang kaliwang kamay. Nabigla si Azenith sa nakita. "Paano mo nasangga ang Metallic?!"

"Super Rocket!" Sabi ni Dionne at hinanda ang kanang kamay. Hindi na ito maiiwasan ni Azenith dahil malapit na sila sa isa't isa. "PUNCH!"

Inasinta ni Dionne ang tiyan niya at tumapak sa hangin para mas malakas ang suntok gamit ang double jump. Sapul sa sikmura si Azenith. Sandaling tumigil sa ere si Dionne dahil sa double jump at nauna na ang katawan ni Azenith na bumagsak sa batong lupa. Nasira ang sahig dahil sa lakas ng paghampas ng katawan niya. Sumabog ang paligid ng katawan. Bumaba si Dionne malapit sa nakahigang si Azenith. Saglit na nawalan ito ng malay. Dumugo na ang bibig nito. Maya maya ay dumilat si Azenith. Nakita niya na nakatayo si Dionne. Pinilit niyang tumayo.

"Nakakatama ka pa sa lagay na 'yan?" Sabi nito matapos bumangon na medyo hirap na ang katawan.

"Masyado kang pabaya. Kung ako sa'yo pinatakas mo na lang ako kesa labanan ako nang labanan ng ubusan ng lakas."

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon