118. Super Sonic

152 15 5
                                    

Muling bumangon si Dionne habang inaalis ang konting lupa na tumapon sa ulo niya dahil sa pagkasira nito sa paghampas ng katawan niya. Muli na namang lumapit si Vince sa kaniya.

"Kahit anong gawin mo, hindi na mababago ang kasaysayan dahil walang kayang baguhin ang propesiya ni Greg. Oras na matalo ako dito ay siguradong magdadalawang isip si Greg na lumitaw dahil wala na siyang makakalaban na mahusay at malakas. Wala na siyang kukumbinsihin dahil tapos na ang misyon niya."

"Hindi ako interesado." Sagot ni Dionne. "Wala na akong planong alamin pa--"

Hindi na naituloy ni Dionne ang sasabihin niya dahil mabilis kumilos si Vince para bigyan siya ng malakas na sipa sa ulo. Muling tumalsik ang katawan niya at inabangang ni Vince kaya nagbigay uli ito ng sipa pababa. Sa lakas ng tama ay bumanda ang katawan nito at umangat uli. Muli na naman sumipa si Vince sa pamamagitan ng pag-ikot kaya sumakto uli ito sa ulo niya. Muli siyang tumalsik at kumaladkad ang katawan bago bumangga uli sa pader. Lumapit uli si Vince sa kaniya.

"Kung tutuusin kaya na kitang tapusin pero may plano pa ako."

Narinig ni Dionne ang sinabi ni Vince. Dahan dahan siyang bumangon. "Huwag na huwag mo akong pagbibigyan dahil oras na mabaliktad ang laban maniniwala ka na sa Diyos."

"Hahahaha!" Insultong tawa ni Vince. Walang magawa si Dionne. "Ito ang mga pagkakataon na imposible na ang himala! Kung ako sa'yo mag iba ka na ng paniniwala."

"Hanggang sa huling hininga ko, hindi ako magbabago ng paniniwala."

"Kung 'yan ang gusto mo--" Isang mabilis na pagsipa na naman sa ulo ni Dionne. Dumikit ang ulo niya sa pader at nanatiling nakadikit ang binti ni Vince sa ulo niya. "Wala akong magagawa." Duktong niya at binitawan si Dionne. Muntik na matumba si Dionne dahil nawala siya sa balanse. Agad din siyang lumayo kay Vince.

"Ito na ang paniniwala ko mula bata ako kaya hindi ko na ito babaguhin."

Napaisip si Vince. "May naalala ako." Hindi na sumagot si Dionne. "Gusto mong sabihin ko? Kaso baka hindi ka interesado." Hindi parin kumibo si Dionne. "Hindi mo ba ako pipigilan? Kasi ikwekwento ko sa'yo ang nakaraan na sinabi sa'kin ni Greg." Nakatingin lang sa kaniya si Vince. "Akala ko sasabihin mo marami akong satsat. Siguro nga pinapayagan mo na ako. Alam mo bang si Greg ay hindi na niniwala sa Diyos? At magkaiba kami ng paniniwala. At isang bagay ang nakapagpabago ng paniniwala niya. Ito ay dahil natuklasan daw niyang hindi bilog ang mundo at totoo ang mga nakasulat sa Biblia. Isang pinaka stupidong paniniwalang nalaman ko. Hinikayat niya akong maniwala sa kaniya pero hindi ko ginawa. Ang paniniwalang bilog ang mundo ay itinuro mula nang ipinanganak ang bagong henerasyon sa new era kaya daw ito na ang kinagisnan ng mga tao mula nang mabuo ang World Government. 'Di nagtagal, lalo akong hindi naniwala sa kaniya dahil sa paniniwalang hindi totoo ang Diyos. Ang mga siyentipiko ang palatandaan dito. Natuklasan nilang bilog ang mundo kaya naniniwala akong likhang isip lang ang Biblia."

"Bilog man o hindi, hindi mababago ang pananaw ko. Ikaw parin ang kailangan kong tapusin."

"Sabagay, iisa lang ang resulta nito. Ang patayin ka."

"Tumigil ka!!"

"Suntok sa buwan ang talunin mo ako."

Sinara ni Dionne ang kamao niya at pumikit. Agad din itong idinilat. "SUPER MODE!!" Sumigaw siya ng malakas.

-

Muling sumilip si Karen sa bintana. Hindi nagbago ang kapaligiran. Tumigil ang putukan nang biglang isang malakas na hangin ang naramdaman niya. Nagtaka siya pero bigla din itong tumigil. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Nao.

"Karen, humanda ka. Nabasa ko sa bibig ng isang sundalo na parating na ang Heneral na si Rece!"

Lalo niya itong kinagulat. "Buhay pa si Dionne nararamdaman ko. Kailangang gumawa na tayo ng paraan. Naramdaman ko ang hangin niya na tinatawag niya kaya hindi pa huli ang lahat. Gagawa ako ng paraan para makapasok."

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon