115. Mainit Na Pagtutuos

193 11 2
                                    

"Sige sumunod ka." Sabi ni Gold Smith nang makausap niya si Rece. "Alam kong kasama nila si Karen." Tumayo ito at tumapat kay Rece. Mas matangkad siya dito dahil walong talampakan lang si Rece at siya naman ay sampu. "Delikado ang lagay ni Vince at kung sakaling malagay sa alanganin si Vince ay malalaman nang lahat ang katotohanan dahil kasama nila si Karen. Malakas ang Marionette na 'yun ayon kay Knives kaya posible na makasilat ito kay Vince."

"Sige.." Sumaludo si Rece at naglakad na palabas. "Sana umabot pa ako dahil dalawang oras pa ang byahe." Wala siyang kasama kundi nag-iisa lang na lumipad. Ang destinasyon ay West Jiao-long.

-

"Miss Parker, bakit hindi na lang natin padaliin ang lahat?" Lumapit pa ng bahagya si Vince. "Kahit anong mangyari ay sarili ko lang ang iisipin ko. Kahit mabihag niyo pa ang mahinang si Clark, parang wala din nangyari." Ngumiti pa si Vince pagkatapos. Tumapat siya kay Dionne.

Tumingin sa paligid si Dionne. Masyadong malawak ang lugar kaya ipinagpasalamat niya dahil sa espasyo ng hangin. "Inaasahan ko nang masama kang tao pero ni hindi pumapasok sa isip ko ang makasarili mong intensyon."

"Natural lang, Miss Parker. Sino pa ba ang makakatulong ko. Kundi ang sarili ko lang pagdating ng kagipitan."

"Masyado kang madada."

"Oops." Awat ni Vince dahil nahulaan niyang aatake si Dionne. "Sandali lang. Gusto ko lang munang malaman kung ayos lang ba sa'yo na tawagin kita ng pormal? Iilan ilan lang ang nirerespeto ko ang pangalan sa mundo."

"Hindi ko kailangan na respetuhin mo pero ikinagagalak kong malaman 'yan."

Ngumiti si Vince. "Gustong gusto talaga kita."

Naningkit ang mata ni Dionne at agad sumugod. Nawala siya uli sa paningin ni Vince na ikinagulat naman ng mga preso na nakakita. Agad nagbangga ang mga kamao nila nang magsalubong sila. Palitan ng malalakas na atake. Walang gustong magpatama kaya nagsigawan ang mga nakakulong na preso sa lugar.

-

Kinakapa ni Karen ang bakal at nalaman niyang makapal ito kaya imposibleng masira sa kahit anong sandata o pisikal na lakas ng tao sa madalian. Nakarinig sila ng maraming putok. Agad silang lumingon.

"Parating na ang mga halimaw na sundalo!" Sabi ni Jick.

"Maghanda ka. Lalabanan natin sila."

Nakita nilang tumatakbo si Eagle at Andrei. "Andito pala kayo!" Hinihingal pa si Andrei. "Ano na ang nangyari?"

"Sarado." Tipid na sagot ni Jick. "Nasa loob si Luna, Dionne at Vince."

"Ano?"

"Teka, wala tayong gagawin dito. Maigi lang hanapin natin ang control ng pinto na ito."

Mabilis na napalibutan agad sila ng mga malalaking sundalo. Tumawag si Jessica. "Karen, kung nasaan ka man, nalaman namin na may password ang pinto. Iniwan ito ng mga sundalo sa taas pero hindi namin alam ang password kaya nasa panganib si Dionne kapag in-activate ang poison smoke. Kailangan niyong sirain ito. Nasa tapat ito ng pintuan ng laboratoryo sa 3rd floor. 'Yun na lang ang tanging paraan para matulungan si Dionne."

"Copy." Sagot ni Karen at umatake sa mga sundalo. "Tara na. Kailangan natin silang labanan!" Agad silang kumilos lahat habang pinapaulanan ng bala.

Sumabog ang paligid dahil sa maliliit na bomba na dala ni Jick. Sinipa naman ni Karen ang unang sundalo na nakita niya. Bumagsak ito nang tamaan sa hita. At agad niyang nilapitan ang iba at isa-isa itong sinipa sa hita. Nagsutumbahan ang mga tinamaan habang sila Andrei naman ay lumaban na din. Binaril nila ang iba habang umiiwas sa bala. Nakatulong ang usok para malito ang mga sundalo.

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon