113. Plan B

209 16 1
                                    

Lumitaw ang pinaka-ulo ng submarino sa tabi ng barko. Bumukas ito at sumilip si Kelvin para makipag-usap sa tauhan doon. Sumilip ang isang tauhan.

"Clear. Nakatapat na tayo sa pabrika." Sabi nito. Nakatago ang submarino sa likod ng barko.

"Sige, aakyat na kami." Sagot ni Kelvin at hinagisan sila ng hagdanan. Umakyat sila kasama ang ilang mga gamit nila. Hanggang napansin ni Kelvin na pati si Karen ay kasamang umakyat nang makatungtong siya sa barko. "Karen, anong ginagawa mo?"

Nagtaka silang tatlo. "Sandali, sasama ako sa inyo."

"Walang bantay sa submarine."

"Tatawagan natin ang operator. Ako ang bahala."

Sumampa silang apat sa barko. Nakita nila ang kapaligiran. Mga gusali sa 'di kalayuan at ang pabrika.

"Ano ang plano mo?" Tanong ni Kelvin.

"Nagbago ang isip ko. Lulusob na ako. Kailangan ako ni Dionne para pigilan si Clark at ang iba pang malalakas na sundalong kasama niya. May balita ako na andito si Jilen."

"Sigurado ka? Paano ang pagiging sundalo mo kung sasama ka sa amin?"

"Ako na ang bahala. Mukhang may mangyayaring kakaiba ngayon. Oras naman na mapatunayan na totoo ang laboratoryo ng droga ay maa-absuwelto ako. Naisip kong kailangan ako dahil delikado ang lagay ni Dionne."

"Maraming salamat."

"Nung una hindi ko naisip na pigilan si Dionne dahil halatang hindi na siya papapigil pa kaya hinayaan ko na siya kahit alam kong napakaliit ng pag-asa. Hindi ako susugal kahit anong mangyari dahil pati ako ay madadamay. Tutulong ako sa inyo sa abot nang aking makakaya pero hindi ako lalantad. Mali ang naisip kong iyon. Kailangan' magkaroon ng pag-asa at mangyayari 'yun kung lalaban din ako."

Ngumiti si Kelvin. "Miski kami ay hindi umaasa pero hindi kami aatras. Lalo pa't nasimulan na. At alam namin na kapag umatras kami ay hindi parin aatras si Dionne. Hindi na kami manghihinayang sa mga buhay namin kung sakali."

Si Karen naman ang ngumiti. "Hindi na din ako manghihinayang sa trabaho ko dahil sigurado akong totoo ang sinasabi ni Dionne."

-

Isang sipa na naman ang tumama kay Dionne kaya muli siyang tumalsik. Nakita niyang tatama siya sa sumisigaw na babae kaya hinawakan niya ito't inilagay sa unahan niya nang mabangga siya sa pader. Nasira ang kapirasong pader. Sumisigaw parin ang babae. "A-ayos ka lang?" Tanong ni Dionne sa babae at agad itong tumayo.

"Ayos lang ako." Tumayo ang babae bago tumayo din si Dionne at nagpagpag sa sarili.

Naglakad uli si Dionne at narinig ang bulong sa paligid.

'Totoo nga. Siya nga ang Marionette at kalaban niya ngayon si Vince.'

Naglakad uli siya papunta kay Vince pero napansin niyang may kausap ito sa telepono. At bigla itong umalis at tumakbo papalayo. Nagtaka siya at tumakbo din para habulin si Vince. Tumawag sa kaniya si Steven. "Dionne, umalis si Vince. Ano na ang mangyayari?"

"Hindi na nakakapagtaka pero hindi pa tumatagal ang laban. Plan B tayo. Alam kong nakahalata siya kaya babalik na siya sa Factory."

"Sige."

Tumakbo lang si Dionne at sinusundan si Vince. "Tawagan mo si Kelvin at alamin ang nangyayari sa mga sundalo sa Factory."

"Okay, bumaba na kami ni Eagle para sumunod sa inyo."

Pinindot ni Dionne ang maliit na device sa tainga niya at si Andrei naman ang tinawagan. "Andrei. Plan B tayo. Nakahalata si Vince. Tumatakbo siya ngayon pabalik kaya ihanda niyo ang mga baril niyo. Lulusob na tayo."

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon