150. Dionne Vs Azenith

80 2 0
                                    

Mabilis na tumalon si Dionne at Ursula. Agad din silang nawala.

"Azenith, sundan mo ang Marionette at Jack sundan niyo si Ursula. Mabilis kayo!" Utos ni Adonis. Agad din nawala ang tatlo para sundan si Dionne at Ursula. Naiwan si Adonis na naiinis.

Habang tumatakbo nang mabilis si Dionne ay tumatalon siya at gumagamit ng double jump. Tuloy tuloy ang ginagawa niya. Lumingon siya sa likod at buhat sa malayo ay nakita niya ang isa sa sumusunod sa kaniya kaya tinuloy lang niya ang pagtakbo at paglundag. Unti unti itong nakalapit sa kaniya.

"Kahit saan ka magpunta, susundan kita!" Sabi ng nasa likod niya na si Azenith. Napansin niyang umuusok ito nung lumingon siya. Naalala niyang gumamit ito ng Superior. Alam niyang ano mang oras ay maaabutan siya nito at mapipilitan siyang labanan ito.

-

Lumiko si Ursula dahil nag-alala siya kay Dionne. Napansin niya kasi na hindi si Azenith ang humahabol sa kaniya. Ngunit sa pagliko niya ay nakita niyang sasalubong sa kaniya ang isa sa kaliwa kaya dumiretso uli siya. Hindi siya pwedeng lumiko dahil mahahabol siya. "Gumamit sila ng Furious. Mabibilis din sila." Sabi ni Ursula habang tumatakbo.

-

Nilapitan si Adonis ng ibang sundalo na naiwan. "Master, bakit hindi si Ursula ang pinahabol mo kay boss Azenith?" Tanong ng isa.

"Mas kailangan ko ang Marionette na 'yun." Sagot ni Adonis.

"Si Ursula ang mas mataas na reward."

"Oo mataas ang reward niya. Ito ay base sa krimen na nagawa niya. Pero kung ako ang tatanungin. Mas mataas pa sa 100 million ang kailangan para mahuli siya. Pero hindi siya prayoridad ngayon ng mga Heneral kaya nanatili sa 50 million ang bounty niya. At ganun din ako. Hindi ko siya kailangan. Mas kailangan ko ang Marionette na 'yun."

"Bakit hindi na lang si Jack at Azenith ang pinahabol mo sa kaniya?"

"Nag-iisip ba kayo? Baka tapusin ni Ursula si Tiger at mabawasan pa sila. Mahabol pa ni Ursula si Dionne para saklolohan."

"Pasensya na master."

Nagtanong ang isa. "Pero masyado yatang baguhan ang Marionette na 'yun para mas maging prayoridad mo?"

"Gusto ko din naman mahuli si Ursula, pero sa ngayon mas gusto ko ang babaing 'yun para ikulong ng matagal at mawala ang kayabangan niya. Masyado siyang kilala ngayon. At si Ursula ay nawala na dahil bigla siyang nanahimik ng tatlong taon." Naglakad siya at tumalikod. "Huwag na kayong magtanong dahil huling sagot ko na 'yan. Ang alam ko lang ay hindi kayang tapatan ng Marionette na 'yan si Azenith." Kinuha niya ang rocket at lumipad.

-

Kasalukuyan na nakasakay ng eroplano si Jethro at Tina papuntang Jodie. "Sa pagkaka-alam ko, napakalaki ng kaharian ng Jodie. Paano natin matutunton ang Rajah?" Sabi ni Jethro.

"Hindi ko din alam." Sagot ni Tina.

"Kailangan nating magpakilala sa mga tao na wala tayong alam. Hindi ko lang alam kung paano malalaman ang kilos ng Rajah. Ang hirap ng pinapagawa ni Andrei. Gusto ko nang umatras pero naaawa ako sa mga tao. Bahala na."

Tumingin si Tina sa telepono niya. "Ayon dito sa mga litrato na nakuha ko kanina, may napakataas na hagdanan dito. Malawak na 250 steps bago ka makaakyat sa trono ng Rajah. Nasa labas ito na nakikita ng lahat ng tao. Gusto kasi ng Rajah na makita ang napakaraming tao sa paligid niya kaya sa labas siya ng palasyo nagpagawa ng isang trono niya. Pero hindi alam kung anong oras siya lumalabas para tignan ang mga tao."

"Napakataas naman."

"Oo, at makikita mo lang ang Rajah kapag umakyat ka para tignan siya. May mga nasa larawan na mga tao na umaakyat para silipin siya. Pero hindi lang natin alam kung pwedeng gawin ito sa lahat ng oras."

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon