Matapos ang pitong oras ay nakarating sila sa tabing dagat. Gabi ng mga oras na ito kaya halos walang tao silang nakita. Kausap ni Dionne si Karen gamit ang telepono.
"Nandito na kami." Sabi niya.
"Sige, nakahanda na ang gagamitin natin na Ferry Boat."
"Sigurado ka bang walang makiki-alam sa'tin?"
"Wala ka bang tiwala? O natatakot kang malaman nila."
"Hindi naman. Sige, nakikipag sapalaran nga pala tayo."
Lumipas ang ilang sandali ay kasama na nila si Karen.
"Karen!" Tuwang tuwa si Ursula dahil nakita niya ang suot nito na tila magbabakasyon. "Ngayon lang kita nakita na hindi naka-uniform."
"Kailangan lang." Sagot nito.
"Baka magtaka sila dahil wala ka sa Head Quarters?"
"Ako na ang bahala. Hindi sila dapat matakot dahil mas takot sila na mawala ako."
"Pero, Karen, kanino mo hineram 'yang Ferry na iyan?" Tanong ni Dionne.
"Si Kevin ang magprovide ng gastos niya. Huwag niyo nang isipin 'yun dahil mula sa tauhan ng Ferry na iyan hanggang sa bababaan natin sa Florida ay mga tauhan namin ni Kevin. Nakalimutan niyo bang myembro kami ng SF?"
Napatingin si Karen kay Judah. Hindi umimik si Judah at iniba ang tingin.
"Di ba kilala mo siya?" Tanong ni Dionne kay Karen.
"Oo naman. Hinding hindi ko siya malilimutan." Napatingin lang uli si Judah kay Karen. "Pinaghahanap na siya ngayon."
Nabigla ang lahat. Pero hindi na nagbago ang reaksyon ni Judah.
"Bakit? 'Di ba myembro siya ni Abdul?" Tanong ni Dionne.
"Siya ang kinilalang nakapasa sa IQ test noong bata pa. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa grupo ni Abdul pero hindi siya malilimutan ng mga Heneral."
"IQ test saan?" Tanong ni Dionne.
"Adult IQ test. Hanggang doon lang ang alam ko. Minaliit at hindi pinagkatiwalaan. At ngayon hinahanap nila para pakinabangan."
Nabigla si Dionne sa isinagot ni Karen. "Baka gamitin nila si Judah sa maling paraan?"
"May bounty siya na 24 Million Dollar. Ibabalita na ito, malapit na kaya maiging hindi siya magpakita pa."
Tinignan ni Dionne si Judah at naglakad na silang lahat.
"Isa kasi siyang brown american." Sabi ni Andrei. "Nabanggit niya sa'kin na--"
Inawat siya ni Judah para itigil na ang pagsasalita. "Saka na natin pag-usapan 'yan." Sabi nito.
"Matalino pala siya." Sabi ni Tina.
"Obvious ba?" Sabi ni Luna. "Siya ang gumawa ng Rocket natin."
"Oo." Sabi ni Dionne. "Kahit ang Rocket na dala ko noon sa Pentagon, siya din ang may gawa noong myembro pa siya ni Abdul. Kaya nagulat si Abdul nang makita niya ang Rocket."
"Kinausap ko na si Abdul. Alam na niyang nasa mabuting kamay si Judah at buhay pa. Hindi na siya makikialam pa dahil ako ang makakalaban niya." Sabi ni Karen.
Nakita na nila ang Ferry. Sumakay silang lahat. May kwarto na maliit ito at kasya silang lahat. Si Jick, Steven, Karen ang dumagdag nilang kasama. Si Tina, Luna, Judah, Andrei, Jessica, Jethro, Kelvin, Nao, Kaled at si Dionne ang magkakasama. Labing tatlo silang lahat.
Naglakbay ang bangka nila kaya nakatulog sila. Gising si Judah at Dionne kasama si Andrei at Karen na nakatingin sa dagat. "Diyan na muna kayo. Matutulog na din ako." Sabi ni Ursula dahil malayo ang lalakbayin nila.