124. Breakdown Of Dionne Vs Vince

121 18 1
                                    

SEASON 6: Greg Yamashita

Nagising si Dionne pero hindi siya makabangon. Nakita niya ang babaing nakabantay sa kaniya. "Binibini, huwag ka munang kikilos. Tatawagin ko lang si Ginang Aba." Sabi nito sa kaniya at tumakbo palabas.

Maya maya lang ay pumasok na ang maraming tao. "Kamusta na, Binibini?" Tanong ni Aba at lahat ng mga kaibigan niya ay pumasok. Tinignan niya isa-isa hanggang nalungkot siya nang hindi makita si Luna.

"Hindi ako makagalaw, ang sakit ng katawan ko." Sabi lang niya.

Inalalayan siya ni Andrei at Eagle para makaupo sa kama. "Labing anim na oras kang tulog. Parang kulang pa." Sabi ni Andrei.

"Nasaan si Luna?" Tanong niya. Nagkatinginan ang lahat. "Huwag niyo nang sagutin. Pasensya na." Dugtong niya.

"Masama pa ba ang loob mo dahil sa nangyari?" Tanong ni Aba at binigyan siya ng gamot.

Hindi na sumagot si Dionne at napapikit na lang. Pinainom siya ng gamot at hinilot siya ni Aba sa kamay. "Marami kang bali. Pero maigi naman ang pakiramdam mo kaya ang sakit na lang sa mga buto mo ang kailangan mong malampasan. Tapos ay babalik ka na sa normal." Sabi uli ni Aba at may ipinakita sa kaniyang dyaryo si Andrei. Nilapag ang malaking balita sa harapan niya. Binasa niya ito.

Karen Wong Overkilled Vince Taylor

Habang hinihilot ang likod niya ay binasa niya ang detalye. Tinitignan nila ang reaksyon ni Dionne. Hanggang magkomento ito.

"Hindi ko alam kung bakit nila ito binalita pero wala akong paki. Ang mahalaga wala na ang malaking sindikato. Sinabi dito na tapos na ang itinatago ni Vince." Sabi niya.

"Nakausap namin si Karen kanina lang nang lumabas ang balita." Sabi ni Jessica at lumapit. Ibinigay sa kaniya ang tablet. "Hintayin mo ang tawag niya para makausap mo siya. May communication na tayo gamit ang internet dahil nagkaroon na ito kahapon lang. At magandang balita. Pwede ka nang makatawag sa Pilipinas dahil nagkaroon na ng connection ang bansang ito sa Asya."

Tinanggap ni Dionne ang tablet. "Maigi naman." Pero bakas ang lungkot sa itsura niya.

Hindi pa man tapos si Aba sa paghilot sa kaniya ay tumawag na agad si Karen kaya agad niya itong sinagot. Nakita niya si Karen sa Video.

"Dionne, totoo nga na gising ka na. May sasabihin ako sa'yo." Sabi agad nito.

"Alam ko na ang balita. Gusto ko ng paliwanag."

"Ano ba sa tingin mo ang dahilan nito. Bakit ako ang ipinalabas ni General Rece na kumitil sa buhay ni Vince."

"Hindi na mahalaga pero alam kong malaki ang kinalaman nila dito. Siguro, pinalabas nila na kayo ang nagpatigil sa operasyon."

Tumango lang si Karen. "Hindi ko alam kung maniniwala ang mga kriminal sa balita pero pinanindigan ko ito para sa kapakanan ng lahat. Wala akong alam sa mangyayari kung ikaw mismo ang mapabalita na pumatay kay Vince. Pero mas maiging tanggapin na ang suhestyon si General para na din sa'yo. May hinala akong may alam nga si General pero ayoko nang maging magulo pa ang kaso. Tutal patay na si Chinchao at dinakip na ang mga masasamang syentipiko, mas maiging tapusin na ang kaguluhan na ito."

"Tama ka pero wala doon ang isip ko ngayon. Marami akong nalaman kay Vince bago siya namatay. Sinabi niyang ang ama ko ang pumatay sa ina ko na lubos na ikinasama ng loob ko. At si Luna..."

"Ikinalulungkot ko 'yan. May alam ka ba kung ano ang nangyari? Sinabi ba niya sa'yo?"

"Kinausap ko nang personal si Daddy. Iba ang sinabi niya. Si Chinchao ang pumatay pero hindi mawala-wala ang sama ng loob ko dahil kay Mommy."

Dead Or Alive [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon